Move it rider na si Angelo Lopez, minura at binantaan ng pasahero.

Move It rider na si Angelo Lopez, viral matapos minura at binantaan ng lasing na pasahero.

Usap-usapan sa social media ang video ng isang Move It rider na si Angelo Lopez matapos itong minura, binantaan at saktan ng isang pasahero.

Ayon kay Angelo 23, nangyari ang insidente bandang 10:50 am sa J.M. Basa Street Cor. J.P. Rizal St. matapos siyang sumaglit sa Angel’s Burger para bumili ng kanyang pagkain.

Dito na siya nilapitan ng lalaking amoy alak at mukhang lasing, nag-pumilit itong magpahatid sa Brgy. 168 at gawin siyang habal-habal.

Binigyang diin ni Angelo na hindi niya ito pweding maihatid dahil bawal ito sa rules, terms and conditions ng Move It, kailangan kasi na ang bawat pasahero ay dumaan sa mismong app para matuloy ang pagbo-booking ng biyahe.

Ani Angelo : “Ang kanyang sinasabi ay ihatid sya sa 168 ngunit ito ay amoy “Alak”. Hindi sya nag book at gusto nya akong gawing “HABAL HABAL”.

“Amoy alak ang lalaki at ito ay nagiging aggressive, namimilit syang ihatid ko sya sa sinasabi nyang address na hindi naman malaman. Nang aking sabihin na hindi ako pwede mag sakay ng “Naka-inom” ‘dun na lamang sya naging agresibo at sunod sunod na mura ang aking natanggap.” bahagi ng pahayag ng Move It rider.

Sa viral video, nakatanggap ng sapak, mga mura at maririnig pa ang pagbabanta ng pasahero na kung hindi siya maihahatid ni Angelo ay ‘gri-gripohan niya ito” o sa madaling sabi ay sasaksakin niya ito.

Dito na natakot si Angelo, kalmado lang nito na kinakausap ang naturang pasahero at hindi niya na ito nilabanan.

Aniya : “Hindi ako lumaban o iharurot ang motor dahil pwede rin akong mapahamak. Kaya ang pag video lamang ang aking nagawa upang magawan ito ng action at bigyan ng hustisya. Dahil labis na trauma ang kanyang iniwan sa akin at hindi ito pwede palampasin dahil baka ulitin pa nya ito.”

Sa kasalukuyan, humihingi ng tulong si Angelo sa mga taong may alam sa pagkaka-kilanlan ng pasahero upang maturuan ito ng leksyon.

Panawagan nito : “kung sino man nakakakilala dito o kamag-anak o pamilya nitong tao na to ngayon pa lang makipag ugnayan na kayo sa amin.”

Dagdag pa niya : “Kung nababasa mo man to, alam mo naman saan ka pupunta at wag mo nang hintayin lumaki o magpatong patong pa ang kaso mo.”