Nagbigay ng payo ang PBB Celebrity Collab Edition Big Winner na si Mika Salamanca tungkol sa batikos na natatanggap ngayon ni Shuvee Etrata.
Hindi lingid sa marami na silang dalawa ay sabay na pumasok sa bahay ni kuya o PBB house, si Mika ay may moniker na ‘Ang Controversial Ca-Babe-Len Ng Pampanga’ habang si Shuvee naman ay “Ang Island Ate Ng Cebu”.
Dahil sa mga pagsubok at mga challenges na hinarap nila sa loob ng bahay ni kuya, tanging si Mika lang ang umabot hanggang sa dulo at itinanghal bilang Big Winner kasama ang kanyang ka-duo na si Brent Manalo.
Kung ating babalikan, naging laman ng pambabatikos si Shuvee dahil sa mga lumang posts niya sa social media, ang mga posts na ito ay ibinahagi ng dalaga bago paman siya pumasok sa loob ng bahay ni kuya.
Ayon kay Mika, aware siya sa mga pinagdadaanan ng kanyang kapwa GMA Sparkle artist na si Shuvee at bilang kaibigan, nagbigay ito ng payo tungkol sa mga batikos na natatanggap ng dalaga sa social media.
Payo ni Mika : “Pinaka-masasabi ko lang kay Shuvee siguro is piliin mo ‘yung mga papakinggan mo tsaka tatanggapin mo sa sarili mo,
“Kung meron kang mistake, own it, say you’re sorry, change. Own it. Parang, kung constructive criticism, take it. Pero kung pure hate lang, let it go, slow down,” dagdag ni Mika.
Nagsimula ang karera ni Mika bilang isang vlogger o content creator sa social media, batid rin niya ang mga pinagdaraanan ngayon ni Shuvee dahil lahat umano ng pambabatikos ay naranasan na niya noon pa man, kaya nga ang moniker niya ay ‘Controversial’.
Isa rin si Mika sa mga bumuboses na celebrities ngayon tungkol sa nakakatakot na anomalya sa flood control projects at sa malalang korapsyon ng mga politiko sa ating bansa.
Ngunit kamakailan lang ay tila nabahiran ng pagiging ‘two faced’ diumano si Mika sa social media tungkol sa ipinaglalaban nito kontra sa korapsyon kung gayon ay malalapit siya sa mga ‘nepo babies’ lalong-lalo na kay Kitty Duterte.
Kaya tuluyan ng naka-unfollow at tinapos na ni Mika Salamanca ang pagkakaibigan nila ni Kitty Duterte.
Samantala, hinirang naman bilang kauna-unahang first female ambassador si Shuvee Etrata ng Boy Scouts of the Philippines.