Naglabas ng pahayag si Michael Ellis Co online, ang anak ng korap na politiko na si Zaldy tungkol sa issue ng flood control projects.
Si Ellis Co ay isang fashion designer, sa pamamagitan ng isang mahabang social media post, nakikisimpatya siya sa mga taong pumunta sa Luneta Rally, mga taong biktima dahil ninakawan ng kanyang ama.
For a quick background, kamag-anak si Ellis nina Former Ako Bicol Partylist Rep. Christopher Co at ama niya si Rizaldy Co (ang kasalukuyang Ako Bicol Partylist Rep.).
Si Christopher Co, ang co-founder ng Hi-Tone Construction and Development Corp. habang si Rizaldy Co naman ay ang CEO ng Sunwest Group of Companies o Sunwest Inc.
Ang dalawang kompanyang ito ay sangkot sa alleged corruption na pasok sa Top 15 construction companies na pinangalanan at nasa listahan na inilabas ni Pres. Bongbong Marcos Jr.
Ang Sunwest at Hi-Tone ay pinagkalooban ng milyones na kontrata mula sa DPWH o Department of Public Works and Highways taong 2023 hanggang 2025 para sa mga proyekto gaya na lamang ng mga kalsada, mga gusali, tulay at lalong-lalo na para sa mga flood control projects.
Panimula ni Ellis : “I want to express my deepest sympathies to the people who have mobilized and stood up against corruption in the streets. I am with you, I am on your side.”
Ayon kay Ellis, ang galit umano na nagmumula sa taongbayan ay valid, sa ngayon ay hiyang-hiya umano siya dahil sa kanyang ama na nasasangkot sa korapsyon na mainit parin na pinaguusapan ng buong Pilipinas.
Pagpapatuloy niya : “I condemn corruption in all its forms. I understand the anger and disgust. The hate is MORE than valid. And for the past few weeks, I’ve been having an internal conflict between my morals and my family. I am only speaking out now because I needed the time to have a firm grasp of the situation.
“And though I try to separate myself from the affiliation, I won’t exclude myself from the conversation. I am deeply ashamed, and I wish for nothing but the truth to come out. There is no excuse.
“I firmly believe that anyone who is proven guilty of these crimes should be held accountable and should face the proper consequences. That includes my dad. I urge him to appear before the people and be accountable once and for all.
“I am not just speaking out against a politician; I am speaking out against my father. And if this decision gets me disowned, I would rather face that consequence than watch millions of people suffer from his actions.” bahagi ng pahayag ni Ellis.
Sa ngayon ay hindi pa umuuwi ang ama ni Ellis na si Zaldy Co para harapin ang mga binabatong issue tungkol sa kanya.
Ang huling mga update tungkol sa lokasyon o whereabouts ni Zaldy Co ay lumipad ito papuntang Amerika para magpagamot, agad na namataan itong pumunta sa Singapore at ang latest flight naman nito ay papuntang Spain.