Mga anak ni Claudine Barretto, kinidnap ni Marisol.

Ano ang issue ni Claudine Barretto kay Marisol?

Galit na galit si Claudine Barretto at inakusahan niya ang kanyang PA o personal assistant na si Ma. Solita “Marisol” Acap ng kidnapping.

Kung ating babalikan, January 24 nagawang mag livestream ni Claudine sa kanyang Facebook page at binigyang diin nito na kinidnap ang kanyang tatlong anak na sina Sabina, Santino, at Quia.

Si Ma. Solita “Marisol” Acap o mas kilalang ‘Sol’ ay ang longtime personal assistant ni Claudine, ito rin ang tinuturo ng aktres na tumangay sa kanyang mga anak.

Sa sunod-sunod na mga social media posts ni Claudine, mapapansin ang kanyang galit at inis dahil hindi pa nakaka-uwi ang kanyang mga anak.

Ani Clau : “pinaghahanap ka ng mga Awtoridad, sumuko ka na.”

Sinundan niya pa ng : “You do anything bad to ANY OF MY CHILDREN MAGTAGO KA NA! Simula palang to. @marisol0125 masisira buhay mo promise! I AM A MOTHER!! yan ang pinakamali mong ginawa! WAG MGA ANAK KO! CLAUDINIANS AT RYCB KO AT HIGIT SA LAHAT WAG AKO SOL!!!!”

Sa huling post ng aktres dito na niya ipinakita ang isang dokumento tungkol sa isang tao na nagawa siyang nakawan noon ng nagkaka-halaga sa P5,000,000. Pero agad niya raw itong pinatawad.

Caption ng aktres : “Pinatawad kita sa pang nanakaw mo [noon]. pero etong ginawa nyo MAGBABAYAD KAYO!!!PAREHO KAYO!!!”

Claudine Barretto accuses personal assistant Ma. Solita "Marisol" Acap of kidnapping
Claudine Barretto’s social media post

Sa kanyang Facebook live, ibinahagi ni Claudine Barretto na nakikipag-tulungan na siya sa NBI o National Bureau of Investigation para agad na makita si Marisol.

Ani Claudine : “This is not a joke, This is very serious. Marisol, ibalik mo ang mga anak ko dito, kanina ka pa dapat nasa Katipunan [Quezon City]. Inaantay ka na ng NBI dito.”

Ibinahagi rin ng aktres na may isang tao pa ang nasa likod ng pagka-wala ng kanyang mga anak at hindi lang si Marisol. Pero hindi na nito binanggit ang pangalan.

Pagbabahagi ng aktres : “And you, you know who you are, hindi ka talaga titigil hangga’t hindi mo ako mabaliw o mapatay. Nanay ako ng mga anak mo! If anything happens to me, especially sa fiesta ng GenSan, alam n’yo na po, dalawang tao lang ang gumagalaw.”

Dagdag pa niya : “And this person is in connivance with someone who wants me dead. Hindi ho ito biro, At ikaw? Malalaki na ang mga anak ko. Magkita tayo sa VAWC. You want me dead? Dahil hindi kita binabalikan? Bring it on, bring it on. Multuhin ka sana ng nanay at tatay mo.”