Naglabas ng kanyang public apology ang content creator na si Melissa Enriquez matapos nitong murahin si Sen. Kiko Pangilinan.
Kung ating babalikan, ibinahagi ng content creator sa kanyang Facebook page ang isang post na nagmula sa News5 at dito na niya minura si Sen. Kiko Pangilinan.
Nakasaad kasi sa post ng News5 ang naging panukala ni Sen. Pangilinan na ilipat nalang sa ‘Libreng Almusal Program’ ang ibang pondo na para sa mga flood control projects upang tugunan o solusyunan ang pagka-bansot at malnutrisyon ng mga estudyante o mag-aaral.
Ani Sen. Kiko : “Base na rin doon sa [panukalang] ililipat yun ilang pondo ng flood control [projects] dahil ito ay malulustay lamang at hindi kailangan o kaya ay inaayos pa, ilagay [nalang] natin sa ganitong klaseng programa,”
Dito na minura ni Melissa ang senador dahil hindi siya pabor sa panukalang ibigay nalang ng libre ang pondo ng gobyerno sa mga mag-aaral gaya sa palibreng almusal, para sa kanya mas mainam na trabaho nalang ang ibigay sa mga tao.

Dito na binanatan ang content creator ng mga netizens dahil agad na nag-viral sa social media ang screenshot ng kanyang post na pagmumura kay Sen. Kiko lalo na sa Reddit, sinabi ng mga Reddit users na ang mga taong hindi pabor sa ikakabuti ng mga kabataan ay ang mga worst type of people.
Ani ng reddit user : “People who complain about children and students getting free meals are the worst kind of people. Backed by studies yan na performance is linked to nutrition and alam naman natin na maraming hikahos at hindi lahat ng naka-kain ng tama. Issue nga yan pati sa US, eh di lalo na dito.”
“Ang di ko gets sa may ayaw sa mga free feeding program ng gobyerno like this one mag bigay daw ng trabaho. Pag nag pakain ung gobyerno let say sa mga student. Bibili ang gobyerno ng ipapakain which give work sa mga farmers, delivery chain, cooks etc Hindi ba trabaho un?” dagdag pa ng isa.
Dahil sa samu’t-saring batikos na kanyang natatanggap sa social media, agad naglabas ang content creator ng kanyang public apology para humingi ng tawad matapos niyang murahin si Sen. Pangilinan.
Ani Melissa : “Alam ko po ang naging reaksyon tungkol sa post ko kay Sen. Kiko, at gusto ko pong humingi ng taos-pusong paumanhin,
“Aminado ako na hindi ko po napag isipan at naging clickbait ang caption ng post ko (na agad kong dinelete within 8minutes), at lumabas na parang minamaliit ko ang panukalang libreng almusal. Ang nais ko po sanang ipunto sa post ko ay ang kahalagahan din ng trabaho, mas mataas na sweldo, at libreng edukasyon.. mga bagay na kulang pa rin para sa maraming pamilya at naging one sided ako,
“Pero naiintindihan ko po ngayon na mali ang naging way ng post ko. insensitive po talaga sya at parang binabalewala ko ang panukalang libreng almusal, na sa totoo lang ay makakatulong talaga sa mga bata at makakasuporta rin sa ating mga magsasaka. muli po humihingi ako ng dispensa at pasenya.” bahagi ng post ni Melissa.