Wala na talagang libre sa panahon ngayon dahil ang meet and greet event ni Shuvee para sa mga fan ay may bayad na rin.
Usap-usapan ngayon sa social media ang fan meet ng PBB alumni na si Shuvee Etrata na gaganapin sa Quezon City, Nov. 8.
Hati naman ang komento ng mga netizens tungkol sa fan meet na ito ng dalaga, marami kasi sa kanyang fans ang hindi raw makakadalo dahil masyadong mabigat umano sa kanila ang magbayad ng 1 thousand pesos upang makapasok sa event.
Bakit kaya may bayad ang meet and greet ni Shuvee Etrata para sa mga fan?
Sa naturang event ay hindi sila tumatanggap ng walk-in, kailangan muna na mag-fillout ng online form at bayaran ang 1 thousand pesos bilang entrance fee upang makapasok at malista bilang guest.
May mga netizens naman ang nagsasabing kailangan talaga na mayroong entrance fee para sa mga expenses maliban nalang kung ang event ay may sponsor, para sa charity o outreach program.
Ani ng netizen : “Not a fan of Shuvee, but there’s always a fee. Unless someone sponsors it.”
“Everything, always.. Everything costs money for fan meets unless they’re sponsored… And we’re willing to spend just to meet her.” dagdag pa ng isa.
May mga fans naman ang napatanong kung ano ba ang freebies o inclusions sa babayaran nilang 1 thousand pesos para makapasok sa fan meet event ni Shuvee, hindi kasi malinaw sa online form kung pati ba ang food ay kasama na sa babayaran.
Sa ngayon ay hindi pa kinumpirma ang saktong lokasyon ng fan meet na ito ng dalaga pero ito ay gaganapin sa Nov. 8, marami naman sa mga fans ni Shuvee na nasa abroad ang nalungkot dahil hindi sila makakadalo sa event na ito somewhere in Quezon City.
Since malayo pa naman, baka mayroong sponsors na lalapit para naman makadalo parin ang mga fans ni Shuvee na walang budget para sa entrance fee ng kanyang meet and greet.
Sa latest update naman tungkol sa dalaga, hinirang si Shuvee Etrata bilang kauna-unahang first female ambassador ng Boy Scouts of the Philippines.
Aniya : “Sobrang saya ko na makasama kayo bilang isa sa mga bagong Scout Ambassador ng Boy Scouts of the Philippines. I’m super honored dahil hindi lang ito basta title para sa akin, it’s a dream come true to be part of this scouting family and to represent what we stand for.”