Maymay Entrata, new boyfriend na si Joaquin Enriquez?

Maymay Entrata and her new boyfriend Joaquin Enriquez
Maymay Entrata and Joaquin Enriquez

Wow! may pa soft launch si Maymay Entrata sa kanyang new boyfriend na si Joaquin Enriquez.

Usap-usapan ngayon ng mga netizens kung new boyfriend na nga ba ni Maymay Entrata ang Fil-Am at aktor na si Joaquin Enriquez?

Viral kasi sa social media ang isang reel video mula sa IG account ni Joaquin na kung saan magkasama silang dalawa ni Maymay sa isang beach habang umuulan. Tila ang reel na ito ang confirmation na in-relationship na silang dalawa.

Parang nilalamig na tuko naman si Maymay dahil sa biglang pagyakap nito kay Joaquin, kaya tila may something na talaga sa kanilang dalawa.

Maymay and Joaquin Instagram reel
Maymay and Joaquin

Caption pa ni Joaquin sa naturang reel : “I finally found my Iris :)”

Komento ni Maymay : “My Lover [heart emoji]”

Sino si Joaquin Enriquez? siya na ba ang new boyfriend ni Maymay Entrata?

Si Joaquin ay isang Fil-Am commercial model at newbie actor sa Hollywood, siya ay naka-base ngayon at lumaki sa Los Angeles, California.

Kahit baguhan pa lamang sa Hollywood ay marami ng proyekto na nagawa si Joaquin gaya na lamang sa mga short films na ‘Echoes of the Attack’ 2024 at ‘Project Yellow Lights: Love/Story 2025, at may upcoming serye itong Madame Hula.

Nagtapos ang boyfriend ni Maymay sa University of California sa San Diego noong 2024 na may kursong Bachelor’s Degree in Theater.

Ayon sa mga ulat, ang kanyang ina ay isang Pinay habang Amerikano naman ang kanyang ama.

Maymay Entrata at Aaron Haskell relationship timeline.

Gaya nina Joaquin at Maymay, kinumpirma rin ni Entrata at Haskell ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng pag-post ng kanilang mga photos together sa social media noong February 2022.

Medyo mahirap umano ang setup ng kanilang relasyon dahil nasa long-distance relationship silang dalawa dahil si Aaron ay naka-base sa Canada.

April 2024, kinumpirma ni Maymay ang break up nilang dalawa ni Aaron matapos mapansin ng mga netizens na naka-unfollow na sila sa isa’t-isa sa Instagram.

MayWard, loveteam timeline.

Bago pa man pumasok sa buhay ni Maymay sina Aaron at Joaquin ay may nag-iisang Edward Barber, Hindi naman nila kinumpirma ang kanilang real-score ay naghatid naman sila ng kilig sa mga fans dahil sa chemistry nilang dalawa.

Ang kanilang loveteam na MayWard ay nabuo mula sa kanilang mga pangalan na Maymay at Edward, sila ay mga alumni ng Pinoy Big Brother : Lucky 7 taong 2017.

Nagsama naman silang dalawa bilang magka-loveteam sa mga proyekto gaya na lamang ng Loving In Tandem, La Luna Sangre, Fantastica at Princess DayaReese.

April 2020, kinumpirma nina Maymay at Edward na ang kanilang relasyon ay hanggang sa mag-bestfriends lang at hindi na lalampas pa.