Menu
Mark Herras umiiyak sa video, anyare?

Bakit umiiyak si Mark Herras sa isang IG post?
Viral sa social media ang isang Intagram post ni Mark Herras sa social media habang siya ay umiiyak sa video.
Mukhang mabigat ang pinagdadaanan ngayon ng aktor na si Mark dahil sa isang viral video na nilagyan niya ng caption na : “Kulong Sa Sistema”. Ito ay ipinost niya noong February 5.
Ayon sa mga ulat, problemado raw sa kasalukuyan ang aktor dahil malaki ang pangangailangan niya sa pera dahilan upang hindi sila okay ng kanyang asawa.
Madalang rin raw ang mga pumapasok na proyekto, raket o mga trabaho sa aktor dahilan upang hindi makapag-ipon si Mark.
Marami naman sa mga celebrities ang nagpa-abot ng kanilang suporta sa aktor, isa ang aktor na si Rocco Nacino ang nagbigay ng komento sa crying video ni Mark sa IG.
Ani Rocco : “One day at a time brother. Ikaw una produkto ng starstruck, wag kalimutan, dream, believe, survive. Tawag ka lang sakin kung kailangan mo ng kausap.”
Ani naman ni Camille Prats : “Praying for you Mark. In your darkest moments, His power is made perfect in our weakness.”
Habang sinusulat namin ang balitang ito, tuluyan nang nag-unfollow sa isa’t-isa ang mag-asawang sina Mark at Nicole Donesa sa Instagram.
Agad itong napansin ng mga netizens, ayon sa sa mga online marites na mukhang tuluyan nang naghiwalay ang mag-asawa.
Ani ng netizen : “ANOTHER SEPARATION? MARK HERRAS AND WIFE NICOLE DONESA UNFOLLOWED EACH OTHER ON SOCIAL MEDIA.”
“Ngayon talaga perapera nalang ang nagpapanatili sa relasyon. Wala nang halaga ang pagi-pagibig ngayon. Hindi nga naman tayo mabubuhay ng basta pagmamahal lang.”
Dagdag pa ng isa : “Sayang si Mark Herras bigla na lang nawala sa limelight dati hindi nawawalan ng teleserye yan sa GMA tapos main lead pa siya palagi.”
