Mark Adrian Napiza, kinasuhan at nag-resign bilang SK Chairman.

May bagong update sa SK Chairman na si Mark Adrian Napiza.

Kinasuhan at bumaba na sa kanyang pwesto bilang SK Chairman si Mark Adrian Napiza matapos lamutakin ang siopao at hotdogs sa 7/11.

Kung ating babalikan, naka-tanggap ng samu’t-saring batikos sa social media si Mark matapos mag-viral ang video ng kanilang pag-pasok sa isang convenience store sa Laguna.

Ang viral video ay kinunan noong February 16 sa isang 7/11 convenience store sa Barangay Gatid, Sta. Cruz, Laguna na agad na nag-viral at pinag-usapan online.

Sa naturang content makikita ang pag-pasok nila sa 7/11 sabay na hinawakan, kinapa ang mga siopao at hotdogs ni Mark na walang gamit na gloves o tongs.

February 20, nag-labas ng isang liham nang pagbibitiw si Mark bilang SK Chairman ng kanilang lungsod na Barangay Bubukal, Santa Cruz, Laguna.

Ani Mark : “Ako po si Mark Adrian P. Napiza, ay nagbibitiw sa aking tungkulin bilang SK Chairperson ng Barangay Bubukal, Santa Cruz, Laguna.”

“Naging masaya po ako sa paglilingkod bilang isang Sangguniang Kabataan Chairperson ng mahigit kumulang walong-taon sa aming Barangay. Nais ko po mag pasalamat sa lahat ng aking nakasama bilang isang Lingkod-Bayan, sa buong Sangguniang Barangay ng Bubukal, Sangguniang Kabataan ng Bubukal, Pamahalaang Bayan ng Santa Cruz at sa Pambayang Pederasyon ng mga Sangguniang Kabataan sa Bayan ng Santa Cruz.”

Dagdag pa niya : “Bilang pagdidisiplina sa aking sarili dahil sa aking nagawang mali bilang isang Lingkod-Bayan ako ay kusang loob na bumababa sa aking tungkulin bilang SK Chairperson ng Barangay Bubukal epektibo rin ngayon araw ika-20 ng Pebrero 2026. Maraming maraming salamat po.”

Sa kabila ng kanyang pagbitiw, kinasuhan o sinampahan si Mark ng reklamong administrative complaint ni Sta. Cruz, Laguna Mayor Benjo Agarao.

Nakasaad sa reklamo : “While inside the store, Respondent inserted his bare hands into the electric food steamer and touched several food items, including siopao and hotdogs, which were intended for sale to the public. The incident was recorded and subsequently posted on social media, where it circulated widely and was viewed by members of the public.”

“The act caused public outrage and embarrassment to the local government of Barangay Bubukal and the Municipality of Sta. Cruz. As an elected public official, Respondent is expected to uphold the dignity of his office and conduct himself in a manner that promotes public trust and confidence in government service.”

Bahagi pa ng reklamo : “Respondent’s act constitutes behavior that is improper, irresponsible, and damaging to the image of public office.”