Marigold Pacete Borbon, inamin na scripted ang Toro Family.

Marigold Pacete Borbon and Toro Family issue
Marigold Pacete Borbon

How true ang pasabog ni Marigold Pacete Borbon na scripted pala ang mga vlog ng Toro Family?

Viral sa social media ang tungkol sa issue ni Marigold Pacete Borbon sa mga miyembro ng Toro Family na sina Toni Fowler, Marie at Papi Galang.

Kung ating babalikan, naging usap-usapan ang latest vlog ng Toro Family sa kanilang Youtube channel na may pamagat na ‘Nanny’, dito kasi nila ipinakita ang hindi magandang ginagawa ng kanilang kasambahay na si Marigold Pacete Borbon sa anak ni Papi na si Dodong.

Sa naturang video, makikitang sinaktan ni Marigold si Dodong physically at verbally na nakuhanan pa ng CCTV. Dito na agad nagsumbong si Papi kay Marie Fowler tungkol sa kanyang napanood.

Ani Papi : “Ate, grabe siya kay Dodong. Pinapalo niya, pinipitik niya, sinasampal niya si Dodong. Grabe siya magsaluksok ng dede kay Dodong, kaya pala gabi-gabi sumusuka yung bata. Nanginginig ako, Sobrang nanginginig ako, ‘te.”

Dagdag ni Papi : “Pasalamat siya, hindi ko siya naabutan. Napaka-mautak niya na tinakasan niya kami sa panahon na sobrang hinang-hina kami, pero hindi ko palalagpasin ‘to.”

Sa kanilang reality show, dito na nag-drop name si Papi ng buong pangalan ni Marigold, pangalan ng mga anak nito at inilabas pa ang picture ng kanilang yaya kasama ang pribadong mga dokumento nito.

Pahabol pa ni Papi : “Pag strikta ka kasing nanay, ang tingin na agad nila sa’yo matapobre ka. Pero pag naging mabait ka, aabusuhin ka nila.”

Dahil sa pag-exposed ni Papi ng mga larawan at pangalan ng kanilang yaya, ibinandera ni Marigold ang tunay na ginagawa ng Toro Family para magkaroon lang ng content online at para pag-usapan.

Ayon sa kanya na binayaran siya ng P50,000 upang gawin ang pananakit kay Dodong para masingit ang naturang clip sa naturang reality show.

Chika ni Marigold : “WAG NIYO AKO HUSGAHAN HINDI KO GUSTO YUN AND HINDI MASAKIT AND LITERAL NA PHYSICAL YUN DAHIL LANG 50K AT SINO AKO PARA TUMANGGI DUN ISA LANG NAMAN AKONG KATULONG SINGLE MOTHER AND MAY TATLONG ANAK NA NAG AARAL.”

Ayon kay Marigold wala umano sa usapan nila na pati ang mga anak niya ay ipapahiya sa social media.

Wika niya : “KAYA KO LANG NAMAN NILABAS AND PINOST TO KASI WALA SA USAPAN NAMIN TALAGA NA IDADAMAY YUNG ANAK [ko] ANG SABI LANG NILA GAWING ENTRI YUNG GANUN FOR 50K PUMAYAG PO YUNG SA CCTV LAHAT PO YUN AY SCRIPTED.

“KUNG MAPAPANSJN NIYO PO SA UNANG VID NAKA MASK AKO AND SA SUNOD HINDI NA KASI ANG USAPAN NA HANGGANG DUN LANG PO NAGULAT AKO NA BKT PATI PANGALAN NG ANAK MO DAMAY NAALALA NIYO,

“YUNG KAY HAPPY NANAKIT DIN NA YAYA DIBA MAS MALALA GINAWA NG YAYA DUN PERO DI NILA PINAKULONG AND HINAHAAN NALANG NILA KASI NGA PO SCRIPTED KAYA NGA NILALARO LARO KO LANG YUNG POST KO WALA SA USAPAN NA IDADAMAY MGA ANAK KONG NAG AARAL.” dagdag ni Marigold.

Pumalag naman si Papi at sinabing hindi niya magagawang magbayad ng P50,000 para saktan ang kanyang anak para lang sa content.

Paglilinaw ni Papi : “50k uluuul ka ba? Pang therapy nga ni dodong nagkakanda hirap ako pag ipunan. Magsasayang pa ba ko ng 50k para masaktan anak ko? Hibang kana ata. Wag mo kinikiliti postpartum rage ko baka di kita matancha.”

Maging si Toni Fowler ay naglabas rin ng kanyang pahayag at pinabulaanan na hindi totoo ang tungkol sa binayad diumano nilang P50,000 kay Marigold.

Wika ni Toni : “ANONG BINAYARAN KAYO NG 50k? ANONG SCRIPTED? Totoo naman di sapat yung pinahiya ka lang ni papi. GUSTO MO SA TULFO TAYO MAG HARAP.”

Sa ngayon ay hindi pa malinaw kung tunay ba talaga na nagbayad ng P50k ang Toro Family para lang ma-content si Dodong at ang yaya nila na si Marigold.