Mariel sa anak ni Camille, “Tigapagmana ng Brillante ng Lupa!”

Courtesy : Mariel Padilla and Camille Villar
Courtesy : Mariel Padilla and Camille Villar

Isinilang na ang Sanggre at tunay na tagapangalaga sa Brilyante ng Lupa!

Tuwang-tuwa ang mga netizens dahil sa pagbati ni Mariel Padilla sa kanyang kaibigan na si Camille Villar matapos itong manganak.

Hindi lingid sa marami na isinilang ni Camille ang kanyang bunsong anak na si Baby Camille Claudia sa kanyang asawa na si Erwin Genuino.

Caption ni Manny Villar sa post : “So much love and joy in our hearts as we welcome our newest apo, Camille Claudia – beautiful daughter of Camille. We’re overjoyed and grateful for this beautiful gift of life. Welcome to the world, little one!”

Marami naman sa mga netizens ang nagsasabing sa wakas ay isinilang na ang tunay na tagapagmana ng Brilyante ng Lupa, ang tinatawag nilang brilyante ay ang bato na napapanood sa serye ng GMA Kapuso Network na Encantadia.

Ani ng netizen : “Naipanganak ang tagapagmana ng brilyante ng lupa! Avisala!”

“Ipinanganak na si Terra, ang susunod na tagapangalaga ng brilyante ng lupa.” dagdag pa ng isa.

Ang Brilyante ng Lupa ay isang mystical elemental gem mula sa Encantadia na kumakatawan sa elemento ng mundo at nagsisilbing mapagkukunan ng buhay ng mga halaman at hayop sa kaharian ng Encantadia.

Kilala rin ito bilang ‘Earth Gem’ na nagtataglay ng mga kapangyarihan ng lupa kabilang na ang pagmamanipula ng mga earth-based energy, pagpapagaling sa mga sugat at pagbibigay ng mga proteksiyon sa paligid.

Bakit nauugnay sa mga Villar ang brilyante ng lupa?

Hindi lingid sa marami na kilala ang pamilya Villar sa may pinakamalawak na lupain sa ating bansa dahil na rin sa mga pinapatayo nilang mga private subdivisions.

Kaya naman tila nagiging laman sila ng mga memes sa social media lalo na kapag ang usapin ay tungkol na sa mga lupa.

Naaliw naman ang mga netizens sa pagbati ng asawa ni Sen. Robin Padilla na si Mariel sa kanyang kaibigan na si Camille Villar.

Courtesy : Mariel Padilla's congratulatory post on Instagram
Courtesy : Mariel Padilla’s congratulatory post on Instagram

Ani Mariel : “Congratulations @camillevillar_ and @erwin_ Just last month we were celebrating your baby shower, and now little Claudia is here already!!! The most adorable baby ever!,

“Yes people, isinilang na po ang tunay na sangre – ang tigapagmana ng brillante ng lupa!” dagdag ni Mariel.