Kumasa ang asawa ni Sen. Robin Padilla na si Mariel sa 500 peso noche buena challenge ng DTI.
Usap-usapan online ang latest vlog ni Mariel Rodriguez-Padilla matapos itong kumasa sa challenge na 500 peso noche buena ng DTI.
Kung ating babalikan, maraming netizens ang tumaas ang kilay matapos ibahagi ng DTI na sa paparating na kapaskuhan, kayang ipag-kasya raw ang halagang P500 para sa noche buena ng buong pamilya.
Ani DTI Secretary Maria Cristina Aldeguer-Roque : “Kung tutuusin P500 makakabili na na kayo ng ham. Makakagawa ka na ng macaroni salad, makakagawa ka na rin ng spaghetti. Depende rin po ‘yan kung ilan ‘yung kakain.”
Hindi lang netizens ang pumalag dahil maging ang pambansang marites na si Xian Gaza ay naglabas rin ng kanyang pahayag, aniya na hindi sapat ang P500 pesos sa panahon ngayon dahil sa mahal na ng mga bilihin.
Chika ni Xian : “nakakalungkot isipin na kulang pa yung 500 para sa complete ingredients ng spaghetti.”
Sa latest vlog naman ni Mariel, aminado siyang na-trigger at nainis siya matapos niyang marinig at nabasa ang naging pahayag na ito ng DTI.
Ani Mariel : “Sa 500 pesos eh makaka-gawa na ng Noche Buena ang isang pamilya. Na-trigger po ako doon nang matindi! Impossible!”
“Pumunta ako sa grocery para hanapin kung anu-ano ang kakasya sa ₱500 budget” dagdag ni Mariel.
Sa dulo ng video, masayang nagawa ni Mariel ang challenge at gumastos lang siya ng halagang ₱498.60.
Aniya : “I’m happy because nagawa natin. Bilang maabilidad na nanay tayo, na-stretch natin dahil ganiyan tayong mga Pilipino. We always make things work, pero may struggle, pero I think it’s baka namang makakapagpasaya siya, I think it looks festive enough.”
Paglilinaw ni Mariel : “I am not siding with DTI and I do believe that the Filipinos deserve more, I just wanted to prove it and challenge myself that I can make ₱500 work.”

Nakapag-luto si Mariel ang 4 plates ng spaghetti w/ cheese, macaroni salad, 8 cups ng gelatin with pineapple tidbits at pasas, 4 glasses ng grape juice (Tang) at chicken ham.
Marami naman sa mga netizens ang nagsasabing mahirap mag-budget ng P500 para sa noche buena, anila na mukhang may mga ingredients si Mariel na hindi pinakita sa kanyang vlog.
Ani ng netizen : “Wala pa diyan ang mantika sibuyas the rest na ginamit pang seasoning be realistic naman.”
“Malamang kasya! May mga sangkap kanang sagana sa kitchen mo diba?? Kumusta naman kaming kahit sa sibuyas nakikipagtawaran pa!?”
Dagdag pa ng isa : “Please lang Maryel.. hindi lahat ay gusto puro pansit na pula, maputla na makaroni, ham na may kanto at tubig na kinulayan.. gusto din namin nang prutas na iba iba kulay at hugis tapos mski manok na pinirito sa mantika na inulit ulit nang gamitin at learning baboy na may sarsang pula..”



