Marian Rivera, bida sa Hacchic Couture Fashion Show sa Vietnam.

Marian Rivera joins The Hacchic Couture Fashion event in Vietnam
Marian Rivera in Vietnam Fashion show

Iba talaga ang ganda ng nag-iisang Marian Rivera matapos itong pag-usapan sa The Hacchic Couture Fashion Show sa Vietnam.

Inamin ni Nguyen Thi Tra Linh, ang founder ng The Hacchic Couture Fashion Show sa Vietnam na hand-picked talaga nila si Marian Rivera.

Hindi lingid sa marami na taong 2023, isang viral video ni Marian sa TikTok ang umabot sa mga Vietnamese audience dahilan upang magkaroon ang aktres ng maraming fans sa Vietnam.

Chika ng Hacchic Couture founder : “Marian Rivera is widely admired in Vietnam.”

Marian Rivera viral TikTok video in Vietnam
Marian Rivera viral TikTok video

Dito na inimbitahan ang aktres na maging ‘vedette’ sa naturang fashion show dahil alam nila na mare-represent ni Marian ang brand to it’s best.

Marian Rivera, excited na sa Vietnam fashion Show.

Oct 14, masayang ibinahagi ni Marian sa social media na super-excited na siya sa isang fashion event na gaganapin sa Vietnam.

Ani Marian : “Mark your calendars! On October 15, I’ll be the vedette for Hacchic Couture’s “Lunar Fracture” Collection at The Art of Harmony, presented by Hacchic Couture & La Truong Xuan Luxury Wedding & Event. Arriving October 14 — Tomorrow, See you Vietnam! Let’s make it magical.”

Dumating si Marian sa Tan Son Nhat airport sa Vietnam noong Oct 14, agad naman na sinalubong at pinag-kaguluhan ang aktres ng kanyang mga Vietnamese fans. Masaya naman nitong pinagbigyan ang kanyang mga fans na makipag-selfie sa kanya.

Matapos ang naturang fashion show event ay naglabasan na ang mga video at larawan ni Marian sa social media.

Ani ng isang facebook post : “LOOK: Marian Rivera graces the Hacchic Fashion Show in Vietnam Radiating timeless beauty and confidence, Marian captivated the crowd as she walked the runway truly the epitome of elegance and the star of the night!”

Marian Rivera in Vietnam fashion show look and dress
Marian Rivera fashion show wedding gown

Sa naturang Fashion show, ibinida ni Marian ang ‘bridal-inspired couture gown’ na suot-suot niya sa runway. Tila sobrang bumagay rin ang ‘Vietnamese make-up look’ sa aktres.

Marami naman sa mga netizens ang nabighani sa look na ito ni Marian dahil tila siya ang ‘Star of the show” at tinawag pa nila itong ‘Goddess of the show’.

Ani ng mga netizens : “Literal na kumikinang, grabe yung skin nya, shining shimmering.”

“Grabe ang kinis at kaputian ay kumikinang at ganda nya at mala dyosa sa ganda isa syang barbie sa ganda ang inang reyna ng engcantadia.”

“Ang vietnamese make up artist, magandang mg make up lalo kng gumaganda iba sla lilitaw ang kagandahan ni marian sa make up.” dagdag pa ng isa.

Nagpasalamat naman si Marian sa lahat ng kanyang mga fans sa Vietnam, wika rin nito na lahat ng mga gowns sa naturang fashion show ay sobrang gaganda at puro mga elegante.

Ani Marian : “Thank you so much, @hacchic_couture , for the warm welcome, I’m truly touched by your love. All the gowns are so beautiful, elegant, and sophisticated. Grateful to be part of such a special event.”