Manny Pacquiao, sinupalpal si Francis Leo Marcos.

Pumalag si Manny Pacquiao sa mga banat ni Francis Leo Marcos sa social media.
Sinupalpal ni Manny Pacquiao si Norman Mangusin o mas kilalang Francis Leo Marcos matapos pag-tripan si Mommy Dionisia.
Bago pa man naglabas ng pahayag si Pacman, una nang nag-viral sa social media ang pasaring at pangungutya ni Francis Leo sa ina ni Manny na si Dionisia.
Tinawag pa ni Francis Leo si Mommy D. na ‘Baluga’ o ‘half-breed’ na ang ibig sabihin ay isang taong may mixed o may lahing negrito o aeta.
Ani Francis Leo : “Bakit yong nanay ni Pacquiao, mas masahol pa sa baluga.”
Binigyang diin rin ni Francis Leo ang utang diumano sa kanya ni Manny na nagkaka-halaga ng 1.7B pesos taong 2018 na hanggang sa ngayon raw ay hindi pa binabayaran ng pambansang kamao.
Ani Francis Leo : “2018 ‘yun.. that would be 1 billion and 700 million [1.7B]. itong si Manny Pacquiao napaghahalataan ng pagiging trapo [traditional politician]. May utang sa akin ‘yan eh di pa nagbabayad eh. 30M usd ang utang sa akin niyan.. nakademanda na yan.. lalabasan na nga ng warrant ‘yan eh.”
Matapos pag-usapan sa social media, agad na nakarating kay Manny ang mga banat at mga kasinungalingan ni Francis Leo. Agad naman na nagsalita si Pacman.
Ani Manny : “Ako? nagko-control lang din ako. Nung narinig ko ‘yung pati mama ko gaganyanin niya [ni FLM], as much as possible, mako-control ko sarili ko. Kung hindi… pag pamilya ko na ang masangkot, tandaan mo ‘yan.”
Dagdag pa niya : “Huwag mo paabutin sa sukdulan na magagalit talaga ako… kasi pag nagalit talaga ako, maniwala ka sa akin, ‘di mo pa ako kilalang lubusan.”
Marami naman sa mga netizens ang nagsasabi na sana raw ay kasuhan at bigyan ng leksyon si Francis Leo dahil marami na raw itong kasinungalingan na pinagkakalat sa social media.
Ani ng netizen : “dapat kasuhan na yang fake marcos na yan, may gana pa manglait kay mommy D eh mas aeta pa ang pagmumukha niya. nognog!”
“Nagpapasikat lang yan. Kaso di yata alam ang hangganan ng kinakalaban, This time I’m with Pacman. ibang usapan na to.”
Dagdag pa ng isa : “Hiyang hiya naman ako sa pagkakinis at pagkaputi-puti ni FLM bukod tanging guwapooooo.”






