May panawagan ang netizens para sa anak ni Manny na si Eman Bacosa Pacquiao.
Maraming netizens ang napatanong kung bakit hindi kagandahan ang house ni Eman Bacosa kahit kilala si Manny Pacquiao na namimigay ng pabahay.
Kung ating babalikan, naging usap-usapan ang naging panayam ni Eman sa KMJS o Kapuso Mo Jessica Soho. Dito niya ipinakita ang bahay na kanyang tinutuluyan.
Marami naman sa mga netizens ang nakapansin na bakit hindi kagandahan ang tahanan ni Eman pero kilala ang kanyang ama na si Manny Pacquiao na namimigay ng libreng pabahay sa mga mahihirap.
Ani ng netizen : “cmpre mas masarap tumira sa simpling bahay.. Saka mas maganda kung cla mismo magpagawa ng sarili nilang bahay na galing sa dugot pawis nila kysa sa ibang tao. Saka respito nlang din sa step dad nya na subrang mapagmahal at mabait.”
“Mahalaga kinilala ni Manny anak nya mula sa umpisa at inalok pa nga na paaralin sa ibang bansa.may prinsipyo din Yung mother ni Emman at di mapagsamantala.hayaan na lang natin sila ang mahalaga ok na silang lahat Ngayon tanggap ng original family nila si Emman.”
Dagdag pa ng isa : “Tama masmaganda sarili mong sikap at ang importante bahay kase may pamilya na ang ina ni Emman susunod den Yan se Emman maging billionaire may awa ang Allah idol ko tatay Niya ngyon Emman na.”
Sa panayam ni Eman, dito na niya ibinahagi na nag-sorry si Manny sa kanya matapos ang ilang taon na hindi nila pagkikita.
Pagbabahagi ni Eman : “Humingi po siya ng tawad sa akin. Pinatawad ko rin po siya. Saka sabi ko po sa kanya, ‘Dad, naiintindihan ko po ang sitwasyon ninyo. Ang importante lang sa akin na makasama kayo.’ Sinusuportahan na po ninyo ako sa pangarap ko, sa pagboboksing ko.”
Si Eman ay anak ni Manny sa noo’y receptionist ng Pan Pacific Hotel sa Malate, Manila na si Joanna Rose Bacosa. Ibinahagi rin niya sa KMJS ang mga paghihirap na naranasan nilang mag-ina bago niya maabot ang kanyang mga pangarap.




