Manager ni Mika, nilinaw ang Hong Kong trip nila ni Will.

Nagsalita ang manager ni Mika Salamanca matapos naging issue ang Hong Kong trip nila ni Will Ashley.

Usap-usapan parin kasi hanggang sa ngayon ang mga kumalat na mga pictures together nina Mika Salamanca at Will Ashley.

Ang mga photos na ito ay kuha mula sa kanilang Hong Kong trip kamakailan, dito na lumabas ang mga chismis na tila mayroong namamagitan sa kanila o may relasyon na ang dalawa.

Hindi lingid sa marami na may kanya-kanyang ka-love team ang dalawa, si Mika at Brent Manalo habang si Will naman at si Bianca de Vera. Kaya hindi maiwasan na mabatikos ang dalawa ng kani-kanilang mga fans.

Lumabas rin ang lumang vlog nilang dalawa na kung saan inamin ni Will na si Mika talaga ang kanyang ‘super crush’ habang nasa loob pa sila ng bahay ni kuya o PBB house.

Dahil sa ingay online, nagsalita na ang manager ni Mika na si Jan Enriquez upang linawin ang tungkol sa bakasyon ng dalawa na ginawang pulutan ng mga online marites.

Nilinaw rin ng manager na hindi A.I o Artificial Intelligence ang mga photos nina Mika at Will dahil totoo ang mga kumalat na larawan sa social media.

Ani ng manager ni Mika : “Yes, group sila na nag-HK for a quick trip, Since PBB Collab, Mika and Will have been good friends. Nothing romantic or anything. We are aware of this trip and we don’t see anything wrong with it.”

Chika naman ng mga netizens na mukhang sina Mika talaga at Will ang tunay na may relasyon at wala namang problema dahil bagay na bagay raw ang dalawa.

Ani ng netizen : “Mukhang sila naman talaga ang mag jowa. Tsaka same sila ata ng mga trip. Bagay naman. Ilayag nyo to bka suportahan kupa hahahha may spark talaga sila.”

“Pansin ko din sa IG [Instagram] posts ni mika hindi naglilike si will pagkasama sa post si brent haha.”

Dagdag pa ng isa : “Ang galing din pumili ni Will ah. Mabait kaya si Mika maganda pa.. parang Dustin lang pala si Will hanggang paglabas na Bnk [bahay ni kuya] kung sino Yung babaeng gusto dun CIA rin hanggang paglabas.”

Marami naman sa mga netizens ang nagsasabi na baka raw ang kani-kanilang mga ka-love teams ay for showbiz lang talaga, pero pagdating sa kanilang personal lives ay mas gusto nila ang isa’t-isa.