Nilinaw ni Maine Mendoza na hindi sila binubuhay ng mga tax payers matapos madawit ang asawang si Arjo Atayde sa flood control controversy.
Hindi lingid sa marami na dinawit ang pangalan ng kanyang asawa na si Quezon City 1st District Congressman Arjo Atayde ng mag-asawang sina Curlee at Sarah Discaya sa senado dahil tumanggap diumano ng kickback si Cong. mula sa kanila.
Naglabas ng listahan ang mga Discaya at dito na napasama ang pangalan ni Arjo, ayon sa mag-asawa na isa si Arjo sa mga kongresista at mga opisyal ng DPWH ang kumuha sa kanila ng malaking pera mula sa pondo ng mga flood control projects ng kanilang kompanya.
Ani Curlee : “After we won the bidding, some DPWH officials [and Congressman] approached us to ask for and take their share of the project amount,
“We are humbly asking the Senate blue ribbon committee and President Bongbong Marcos Jr. for the protection and security of our family” dagdag ni Mr. Discaya.
Ayon naman kay Curlee, tinext at chinat niya umano si Arjo para ibalik sa kanya ang PHP60M na kinuha umano ng kongresista sa kanyang kompanya na mula sa flood control projects.
Ani Curlee : “Actually po, yung tulong na tinext ko sila at chinat, yun po ang halaga ng dapat isauli nila sa amin, yung balanse pa po, for sample po, yung katulad kay Cong. Arjo Atayde po, bale PHP60 million po ang sinabi ko sa chat ko,
“Kasi PHP60 million po yung pinababalik ko sa kanyang pera po na ibinigay ko sa tatay niya, nakiusap po [ako],
“Utang po ang tema ng dating ko, pero ipinapasauli ko po yung mga kinuha sa akin, lahat po, tinext ko sila lahat. napakarami po nila… napakarami po nila.” dagdag ni Mr. Discaya.
Dito na agad naglabas ng kanyang pahayag si Arjo at pinabulaanan nito na hindi siya nakatanggap ng pera mula sa mga Discaya.
Ani Arjo : “I categorically deny the allegation that I benefited from any contractor. I have never dealt with them. Hindi po totoo ang mga akusasyon na ito, I have never used my position for personal gain, and I never will.
“I will avail of all remedies under the law to clear my name and hold accountable those who spread these falsehoods,” paninindigan ni Arjo.
Agad rin na naglabas ng kanyang pahayag ang asawa ni Arjo na si Maine, ayon sa host-aktres lahat ng transaksyon ng kanyang mister ay alam niya at kasama siya, tinawag pa niyang ‘napaka-unfair’ ang pagdawit sa kayang asawa ng mga Discaya.
Ani Maine : “Teka lang muna, those are baseless allegations. Please refrain from throwing hate and personal attacks at him, including me and our family until facts come out. I am with my husband in this. Wala siyang ginagawang masama sa loob,
“He has been doing his best to serve the people of his district in Quezon City since the beginning. I sincerely hope and pray that the people who are TRULY responsible will be held accountable and that innocent individuals be spared from this mess. Napaka unfair,” pahayag ng asawa ni Arjo.
Matapos ang ilang araw ay muling naglabas ng kanyang pahayag si Maine, nanindigan ito na inosente at walang anumalyang ginagawa ang kanyang asawa habang nakaupo ito sa pwesto, sinabi rin ni Maine na hindi sila binubuhay ng pera na nagmula sa mga tax payers.
Panimula ni Maine : “Forgive me for speaking up again this time. I know it may be wiser to stay silent while the investigation is ongoing, but I cannot let my last tweet be my only statement,
“Not a single part of our life has been built on taxpayers’ money. Everything we have comes from years of work and savings,
“We pay our taxes, and we pay them truthfully, because we respect the same system we are accused of betraying,
“Both of us (and our families) are financially capable of sustaining the lives that we live, and it’s personally offensive to be accused of spending money that we have rightfully earned outside politics.
“I will never accept the narrative that accuses us of stealing and living off taxpayers’ money.” bahagi ng pahayag ni Maine.
Para naman sa TV-host, kung alam niya sa sarili niya na may ginawang mali si Arjo ay hindi niya ito ipagtatanggol.
Aniya : “And if Arjo ever did anything dishonest, if he were truly guilty, I certainly wouldn’t defend him and cover for him.”