Loisa Andalio, nanganak na.

Nanganak na ang aktres na si Loisa Andalio.

Sa wakas ay nanganak na ang kapamilya aktres na si Loisa Andalio sa panganay nila ng kanyang asawa na si Ronnie Alonte.

Kung ating babalikan noong November 2025, lumabas ang mga ulat tungkol sa pagbu-buntis ni Loisa, ito rin ay ibinahagi ng talent manager na si Ogie Diaz sa kanyang Youtube show.

Ani Ogie : “May tinutukoy na aktres na di umano ay buntis daw sa kaniyang jowang aktor na gwapo, eh ‘yun nga.. sinasabi pang ‘di ba magka-live in sila?”

Dagdag pa ni Ogie : “Ito pa ang isang balita, ang sinasabi parang may nagpa-check up daw. Pinapunta ‘yong doctor doon sa bahay para check up-in daw itong si Loisa. Tapos akala nung doctor, parang isa sa kasama sa bahay lang ‘yong papa-check up, ‘yun pala si Loisa.”

Ilang linggo matapos pag-usapan ang pagdadalang-tao ng aktres, tila umingay ang mundo ng social media dahil sa wedding proposal ni Ronnie para kay Loisa at sa kasalukuyan ay kasal na sila.

Kahapon March 12, masayang ibinahagi ni Ronnie na isinilang na ni Loisa ang kanilang panganay na si Baby Runi Lior Andalio Alonte.

Caption pa ni Ronnie : “Meet our Nili [pink flower].”