Loisa Andalio at Ronnie Alonte, engaged na.

Sa wakas ay engaged na si Loisa Andalio sa kanyang longtime boyfriend na si Ronnie Alonte.

Mukhang sa kasalan na matutuloy ang relasyon nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte matapos nilang ibida ang kanilang engagement ring.

Viral at naging usap-usapan kasi sa social media ang latest IG post ni Loisa matapos mapansin ng mga netizens ang malaking engagement ring na suot-suot niya.

Ang post na ito ng dalaga ay hindi niya nilagyan ng caption pero tila agaw pansin ang malaking diamond ring na nagpapahiwatig na nag-propose na si Ronnie kay Loisa.

Loisa Andalio confirms she’s engaged to Ronnie Alonte
Loisa Andalio’s engagement ring

Say ng netizen : “no need for caption na kasi sumisigaw ang bato congrats girl.”

Kung ating babalikan, nakaraang linggo lang ay lumabas ang mga balitang buntis na si Loisa sa panganay nila ni Ronnie, ito ay ibinahagi ng talent manager na si Ogie Diaz sa kanyang Youtube channel.

Chika ni Ogie : “Ito pa ang isang balita, ang sinasabi parang may nagpa-check up daw. Pinapunta ‘yong doctor doon sa bahay para check up-in daw itong si Loisa. Tapos akala nung doctor, parang isa sa kasama sa bahay lang ‘yong papa-check up, ‘yun pala si Loisa.”

Marami naman sa mga netizens ang nagsasabi na baka raw minadali ang pag-propose ni Ronnie kay Loisa dahil buntis na ang aktres.

Komento ng isang netizen : “Alams na. baka kaya engaged na sila dahil totoo ang chismis na buntis na talaga si Loisa. Well congrats parin sa kanila kasi sila lang ata ang celebrity couple na tumagal at parang endgame na talaga sila.”

Sina Loisa at Ronnie ay nasa walong taon nang magka-relasyon, sa lumang interview ng dalaga noong July 2023, dito niya inamin na nakikita niya ang binata bilang kanyang ‘The One’.

Lumabas rin ang mga isyu tungkol sa kanilang relasyon, dito na inamin ni Ronnie na ilang beses siyang nagloko ngunit binigyan nila ang isa’t-isa ng sapat na oras para mag-heal hanggang sa muli silang nagka-balikan.

Habang sinusulat namin ang balitang ito, hindi pa naglalabas ng kanilang opisyal na mga pahayag sina Ronnie at Loisa tungkol sa kanilang engagement.