Liza Soberano, nagbukas ng sariling clothing brand.

Liza Soberano opens her new clothing brand named Studio Hope
Liza Soberano x Studio Hope

Ang bongga ni Liza Soberano dahil may sarili na siyang Fashion Clothing Brand at ito ang Studio Hope.

Masayang ibinahagi ng aktres na si Liza Soberano ang bago nitong fashion clothing brand na Studio Hope sa social media.

Sa panibagong update kay Liza, na excite ang kanyang mga fans at ang kanyang mga taga-subaybay matapos nitong ibandera ang bago nitong tinatahak na karera sa pagnenegosyo.

Bakit Studio Hope ang pangalan ng bagong fashion clothing brand ni Liza Soberano?

Sa kanyang IG story, wika ni Liza na ang clothing brand niyang ito ay nagsimula as new hope o bagong pag-asa na may caption na : “Every beginning starts with Hope. Coming soon”.

Liza Soberano's IG comment on Studio Hope Official
Liza Soberano and Studio Hope Official

Hindi naman napigilan ni Liza ipakita ang kaniyang kasiyahan at excitement para sa kanyang mga fans. Wika ng aktres : “Excited for everyone to see this!”.

Inulan naman ng mga Congratulatory comments mula sa netizens ang naturang post na ito ng Studio Hope, anila na masaya sila para sa aktres na ngayon ay naninirahan sa Los Angeles, California.

Komento nila : “Wow! Congratulations. So excited and happy for you Hopie. God Bless you always. We are so many of us who love and support you.”

“Super stoked about this!! Thought it was a solo track initially,, but a clothing brand?! Congrats @lizasoberano on embarking on this exciting journey!!”

“Congratulations. Can’t wait for the opening. May God bless and guide you in this undertaking., Very proud of you.” dagdag pa ng isa.

Sa ngayon, habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa naglalabas ng mga karagdagang detalye si Liza maging ang official IG account ng Studio Hope tungkol sa launching date ng clothing brand na ito ng aktres.

Magiging available rin kaya ito sa Pilipinas?

Bakit umalis sa Pilipinas si Liza Soberano?

Hindi lingid sa marami na naka-base ngayon si Liza sa Amerika upang tuparin ang matagal na niyang inaasam na ‘Hollywood Dream’.

Binalak talaga ng aktres na sa Amerika muna manirahan upang maabot niya ang kanyang pangarap na maging ‘World-Class Actress’, aniya na mas mapapabilis ang pagkuha niya ng mga roles sa Hollywood kung nasa malapit lang siya naninirahan.

Taong 2022, nagpasya si Liza na iwan ang kanyang talent management na Star Magic at ang kanyang home network na ABS-CBN, agad siyang pumirma ng kontrata sa ‘Careless’, ang music management na co-owned ng aktor na si James Reid.

September 2024, kinumpirma ang pag-alis ni Liza sa Careless dahil ang management na ito ay naka-focus parin sa ‘Philippine Market’ na kung saan malayo sa tinatahak ng aktres na maging parte ng Hollywood.

October 2024, pumirma naman si Liza sa WILD, ang talent management na naka-base sa Singapore, medyo naka-align na ang pangarap ng dalaga sa WILD dahil ito ay may global focus lalo na sa mga Asian and American Artists.

Samantala, nagbunga naman ang mga pagsu-sumikap ni Liza na makapasok sa Hollywood matapos siyang mapabilang na maging isa sa mga casts ng Hollywood horror-comedy film na Lisa Frankenstein.

Ang Lisa Frankenstein ay nagmistulang ‘Hollywood Debut’ ng aktres taong 2024, masyadong ginalingan naman ni Liza sa naturang pelikula dahil nagkaroon ng magagandang worldwide reviews ang kanyang acting performance.

Aminado naman si Liza na isang ‘suntok sa buwan’ ang pangarap niya na makapasok sa Hollywood. Pero sa ngayon ay unti-unti nang naki-kilala at nare-recognize ang aktres sa Hollywood world.