Menu
LET examinee na si Rasiya EB, pinalabas at hindi pina-exam.

Anong reason bakit hindi nakapag-exam si Rasiya EB sa LET?
Viral sa social media si Rasiya EB matapos siyang ipalabas mula sa venue ng LET o Licensure Exam for Teachers.
Sa pagbabahagi ni Rasiya, maaga siyang nakarating sa venue ngunit nagka-problema sa kanyang NOA o Notice of Admission.
Ang kanyang NOA ang naging dahilan kung bakit siya na-late na mismong exam matapos ang pagre-reprint niya ng kanyang updated documents. Ang ipinakita niya kasing dokumento ay last year pa.
Ani Rasiya : “Nandito ako sa Koronadal sa Marvel 1. Hindi po nila ako pina-exam. Na-late lang ng 4 minutes kasi pinrint ko pa ‘yung NOA ko na bago. Tapos hindi na po nila ako pinapasok.”
“Akala ko po ay tama na iyon at kumpleto na. Ngunit pagdating ko sa room sa Coronadal, hinanapan po ako ng bagong print dahil kakaiba ang NOA ko at dapat ay isang pahina lamang lalo na’t may bahagi roon na pipirmahan ng proctor.”
Pagbabahagi pa niya : “Maayos naman po ang pakikipag-usap nila sa akin at binigyan ako ng proctor ng 13 minuto para magpa-print sa labas at sinabi na dapat ay makabalik ako bago mag-8:00 a.m. Natapos po ako ng 8:04 a.m., lagpas ng apat na minuto, at ayon sa bantay sa gate ay sarado na ito.”
“Nakikiusap po ako na papasukin dahil may approval naman ako mula sa proctor, ngunit habang kinakausap niya ako ay umalis siya upang pumunta sa room at tumagal ng halos 10 minuto bago siya bumalik, at pagbalik niya ay sinabi na hindi na raw po talaga pwede.”
“Doon na po ako naging emosyonal, umiyak, nakiusap, at umupo pa sa labas ng gate kahit pinagtitinginan na ako ng mga tao dahil gusto ko talagang makapag-exam.”
Dagdag pa niya : “Hindi po ako agad umalis at naghintay pa ng mga 10 minuto sa pag-asang papasukin ako o ipapatawag, at kahit umalis na ako ay nagpunta pa ako sa tindahan at naghintay dahil baka sakaling balikan ako, lalo na’t hindi pa naman nagsisimula ang exam ayon sa mga nasa loob.”
