Menu
Lavish lifestyle ni Criza Taa, ginawan ng issue online.

Ginawan ng issue ang travel vlog ng aktres na si Criza Taa.
Sinagot ni Criza Taa ang isang netizen matapos bigyan ng issue ang kanyang travel vlog na ibinahagi niya sa social media.
Kung ating babalikan, ibinahagi ni Criza sa kanyang mga followers ang latest video sa kanyang TikTok tungkol sa kanyang vacation travel papuntang Los Angeles, California.
Hangad ng aktres na makadalo sa Coachella 2026 na matagal na niyang pangarap, ani Criza : “pack with me may nakalimutan ba ko?!?”.
Dagdag pa niya : “COACHELLA here i comeeeee”
Dito na nag-komento ang isang netizen na tila inaakusahan si Criza na mayroong ‘sugar daddy’ dahil malabong ma-afford ng aktres ang kanyang ‘lavish lifestyle’.
Chika ng netizen : “Ano trabaho ni ate gurl? Considering na wala naman syang malalaking project and d naman malalaki view and brand collabs nya. Nakaka curious.”
Agad na sumagot ang aktres at nilinaw na kahit wala siyang mga projects tulad ng teleserye o mga pelikula ay may mga brand deals raw siya sa social media.
Ani Criza : “wtf are u saying almost all of my brand deals are 1M+ views u wanna see my taxes for first quarter of 2026?”
Nagbigay naman ng reaksyon ang mga fans tungkol sa lavish lifestyle ni Criza at nilinaw nila na malaki talaga ang binabayad ng mga brands sa aktres.
Ani ng netizen : “actually mas malaki kita ng brand deals, promotions, endorsements and all kesa teleserye or movie.”
Dagdag pa ng isa : “Na WHAT THE FACK ka tuloy kupal ka kc mag tanong ee. . Yan bata pa milyon na binabayarang tax eh ikaw MA ANO ULAM parin?”

