Usap-usapan hanggang sa ngayon kung bakit kinasuhan ni Kim ang kanyang ate na si Lakam o Lakambini Chiu.
Ang pagsusugal pala sa casino ni Lakambini ang dahilan kung bakit nagkaroon ng serious financial discrepancies ang negosyo nila ni Kim Chiu.
Kung ating babalikan, gulat na gulat ang mga netizens matapos nagsampa ng kaso si Kim laban sa kanyang ate na si Lakambini, aminado naman ang aktres na ito ang isa sa pinaka-mahirap na desisyon na kanyang gagawin o “most painful steps she has ever taken in her life’.
Ayon sa mga ulat, nalulong sa sugal o sa casino si Lakambini dahilan upang maubos ang milyon-milyong pera na hinuhugot niya diumano mula sa business ventures nila ng kanyang kapatid na si Kim.
Ani Atty. Falcis : “She got hooked into gambling. She was often spotted in Solaire or a hotel casino. Lakam lost hundreds of millions of pesos — from Kim Chiu’s earnings — to gambling in the last two years.”
Chika pa ng isang empleyado ng naturang casino na ang pagpapakilala raw ni Lakam sa kanyang mga kapwa players ay siya ang manager ni Kim.
Hindi naman lingid sa marami na ang Star Magic ang namamahala ngayon sa showbiz career ng dalaga, ibinahagi rin ng casino staff na isang VIP client si Lakambini sa kanila.
Ang isang tao ay naituturing na isang VIP client kung ito ay regular na bumibisita sa pasugalan, ibig sabihin na kailangan mo munang gumastos at sumugal ng milyon-milyong peso para maging miyembro sa kanilang rewards program.
Kung ating babalikan, August 2025 napansin ng mga netizens na hindi na naka-follow sa isa’t-isa sina Kim at Lakam sa Instagram.
Hindi naman isina-publiko ang tunay na dahilan hanggang sa pormal nang nag-sampa ng kaso ang aktres laban sa kanyang kapatid.
Ani Kim : “After careful consideration and months of internal review, I have made the difficult decision to file a legal case for qualified theft against my sister, Lakambini Chiu.”
Dagdag pa ng aktres : “in relation to serious financial discrepancies discovered within my business operations. This decision did not come easily. It is one of the most painful steps I have ever taken in my life.”




