May relasyon na ba ang aktres na si Kylie Padilla sa aktor na si Jak Roberto?
Naglabas ng kanilang pahayag ang aktres na si Kylie Padilla at ang aktor na si Jak Roberto tungkol sa chika na mayroon na silang relasyon.
Tila lumalabas kasi sa mga ulat na nagka-developan na sina Kylie at Jak dahil sa serye nilang ‘My Father’s Wife’ sa GMA kapuso network.
Sa naturang serye ay ginaganapan nilang dalawa ang couple na may anak habang magka-love team naman sila sa dati nilang serye na ‘Bolera’.
Sa panayam ni Nelson Canlas kina Kylie at Jak 24 oras, tila may gustong ereveal ang kanilang co-star na si Gabby Concepcion tungkol sa relasyon ng dalawa.
Sa nalalapit na pagtatapos kasi ng kanilang serye, ibinahagi ni Gabby na sa tuwing natatapos nila ang isang proyekto ay nagkakaroon raw ng ‘separation anxiety’ ang mga casts.
Dito na nagmistulang reporter si Gabby kina Kylie at Jak sabay nitong hinawakan ang microphone ni Nelson Canlas.
Tanong ni Gabby sa dalawa : “‘Pag natatapos ang isang teleserye, hindi ba nagkakaroon kayo ng parang… separation anxiety? kayong dalawa [Kylie/Jak] ano ba ang nararamdaman ninyo?”
Natatawang sagot ni Kylie : “For sure meron yan, lahat naman ng projects na napamahal kana sa prod[uction] na naging close ka sa.. na parang pamilya mo na, meron talagang separation anxiety..”
Pang-aasar naman ni Gabby : “Hindi.. Hindi.. may bago ako ngayon.. hindi na po [sila] JakLie.. KyJak [na]…”
Naitanong naman kina Kylie at Jak kung ano nga ba talaga ang real score sa kanilang dalawa.
Say ni Jak : “Close lang talaga kami [ni Kylie]. Sobrang komportable namin sa isa’t isa, ano ba? ikaw na [Kylie] ang sumagot.”
Sagot ni Kylie : “Ito na lang. What you see is what you get. Parang sounds familiar? It is what it is.”
Pahabol pa ni Jak : “Importante siya sa akin..”
Kung ating babalikan, tumagal rin sa 7 years ang naging relasyon ni Jak Roberto sa aktres na si Barbie Forteza at inanunsyo ang kanilang hiwalayan noong January 2025.
Matagal na rin na hiwalay si Kylie Padilla sa kanyang estranged husband na si Aljur Abrenica na kinumpirma ang kanilang break up taong 2021.
Si Kylie at Aljur ay ikinasal noong Dec. 11, 2018 at nagkaroon sila ng dalawang anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo.
Ready na kaya sina Kylie at Jak na magmahal muli?