Krystel Go, Best Actress sa MMFF 2025 Gabi ng Parangal.

Nasungkit ni Krystel Go ang Best Actress award sa MMFF 2025 dahil sa kanilang entry na I’mPerfect.
Gumawa ng kasaysayan si Krystel Go sa MMFF, ang kauna-unahang nagwagi bilang Best Actress na person with down syndrome.
Ang I’mPerfect ang unang movie project ni Krystel na pasok sa MMFF, ito rin ang nag-mistulang showbiz debut ng dalaga.
Sa mismong Gabi Ng Parangal, inuwi ni Krystel ang pagiging Best Actress laban sa iba pang mga nominado na sina Angelica Panganiban (UnMarry), Nadine Lustre (Call Me Mother) at Bianca de Vera (Love You So Bad).
Umiiyak na umakyat sa stage si Krystel upang pasalamatan ang mga taong nagtiwala sa kanila kahit sila ay may down syndrome.
Ani Krystel : “MMFF at sa lahat ng judges, maraming salamat po sa award na ito. Di po ako makapaniwala, nanalo po ako. Mommy and Daddy, para sa inyo ito. Best Actress na po ako.”
Pagpapatuloy pa niya : “Direk Sigrid Andrea Bernardo, maraming salamat po sa pagkakataon na ito para mabigyan kami ng boses at mapakita namin na kaya rin naming umarte—a person with Down’s Syndrome—ang tapang ninyo po. Salamat po sa pagmamahal at mahal ka po namin, Direk.”
Kabilang rin sa pinasalamatan ni Krystel ang producer ng I’MPerfect na si Ms. Sylvia Sanchez at ang owner ng Nathan Studios na si Ria Atayde.
Dagdag ni Krystel : “Sa mga producers, VLTF, CMB Film Service, Kuya Jim Balthazar at sa Nathan Studios, kay Ate Ria At kay Mamang Nanay Sylvia na pinagkatiwalaan niyo po kaming mga person with Down’s syndrome na kaya rin po naming umarte.”
Marami naman sa mga netizens ang nagsasabing super deserve ni Krystel ang magwagi bilang Best Actress sa MMFF 2025.
Ani ng netizens : “Krystel, you and your sincerity stole the show! Congrats on your win.”
“Now that’s truly an award worth deserving to be won. Congratulations Krystel and make more movies. There are no boundaries and limits in art. Good job.”
Dagdag pa ng isa : “Congratulation Kristel go!! We proud of you dahil mas Lalo mo pang pinataas Ang dignidad nating mga PWDs sa buong Bansa, again CONGRATULATION FOR BEST ACTRESS for MMFF 2025.”





