Kim Chiu, sinupalpal si Marcoleta sa isang post.

Courtesy : Kim Chiu and Rodante Marcoleta

Usap-usapan sa social media ang pagsupalpal ng It’s Showtime host na si Kim Chiu kay Sen. Rodante Marcoleta, ano ang issue nilang dalawa?

Hindi lingid sa marami na kilala ang host-aktres na si Kim Chiu dahil sa mga matatapang nitong pahayag sa social media, kaya dahil sa katapangan na ito ni Kim, hindi nito maiiwasan na mababatikos siya ng mga netizens lalo ng ang mga DDS na may salungat na paniniwala sa kanya.

Unang binatikos ang aktres ng madlang people noong kasagsagan ng ‘renewal issue’ ng kanyang home network na ABS-CBN, dahil ito sa naging pahayag ng host-aktres tungkol sa pag-comply ng network giant sa batas ngunit hindi niya ito nai-deliver ng maayos kaya hinalintulad na lang niya ito sa batas ng isang school o classroom.

Dito na isinilang at sumikat ang “Sa classroom may batas, Bawal Lumabas”, dahil sa pambabatikos at pang-aasar na natatanggap ni Kim, nagawa nitong makabangon at ginawa pa niyang kanta ang ‘Bawal Lumabas” na nagkaroon ng milyon-milyong streams sa iba’t-ibang uri ng digital platforms.

Pangalawang pambabatikos sa host-aktres ay noong na misinterpret ng mga viewers sa It’s Showtime ang ‘deserve’ spiel niya na tila hindi nagustuhan ng mga DDS fans, ang spiel kasi na ito ni Kim ay tila patama diumano sa pagka-aresto ng dating pangulo na si Rodrigo Duterte sa NAIA noong March 11 ng gabi.

Ang latest naman ay ang pag-address ni Kim Chiu sa ‘IV Of Spades’ dahil sa maling pronunciation ng dalaga. Pinag-usapan online ang segment ng It’s Showtime noong Sept. 10 episode na kung saan nagkamali si Kim sa pag-anunsyo sa pangalan ng bandang IV Of Spades. Imbes kasi na ‘4 Of Spades” binasa ito ng host as ‘Ay Vee Of Spades’.

Ngunit tila hindi pa natatapos at napapagod si Kim sa ingay at mga batikos sa kanya sa social media dahil ngayon ay may latest post na naman ito tungkol kay Sen. Rodante Marcoleta, dito niya pinuna ang pamamaraan ng mambabatas kung paano nito iniimbestigahan ang mga anomalya sa flood control projects.

Sept. 23 kasi ay napunta sa mainit na sagutan sina Marcoleta at Ping Lacson habang nasa senate hearing tungkol parin ito sa imbestigasyon ng anomalya sa mga flood control projects. Maaaring ito ang dahilan kung bakit naglabas ng pahayag si Kim sa kanyang X account (former Twitter).

Ani Kim : “Marcoleta woke up and chose … he is always angry, always picking a fight. This is the same way he went all out pushing for ABS-CBN’s shutdown. It’s frustrating and heartbreaking to see the same darkness play out again. [angry emoji]

“As a citizen, I can only hope and pray-by the grace of God-that this time accountability wins. Let the guilty face justice. Enough lies. Enough abuse. It’s time for the darkness to end.” dagdag ni Kim.

Courtesy : Kim Chiu's post about Marcoleta
Courtesy : Kim Chiu’s post about Marcoleta

Habang sinusulat namin ang balita na ito ay burado na ang post na ito ni Kim, narito ang komento ng mga netizens.

Ani ng netizen : “She most likely deleted it for PR purposes. Not only is Marcoleta namedropped, but also ABS-CBN. Kaya I don’t really blame her at all for deleting it, especially as a public figure. It’s the kind of post that should be kept to one’s private social media.”

“etong personality nya na to talaga ang gusto ko, unpredictable, unfiltered, and knows how to speak up if alam nyang may mali. Kabaligtaran ng sinasabi ng iba na sabaw sya pero NO, unfiltered lang talaga sya admit it or not may sense mga banat nya, she’s smart at lage pinaglalaban yung tama. Ang satisfying sana ng tweet, ibalik mo Kim Chiu tanggalin mo lang name ni markubeta at ng abs cbn. GO GIRL!” dagdag pa ng isa.