Kilalanin si Eman Bacosa, ang next Manny Pacquiao.

Who Is Eman Bacosa? The 'Unrecognised Son' Who Carries The Pacquiao Legacy
Emmanuel 'Eman' Joseph Bacosa Pacquiao

Si Eman Bacosa 21, na kaya ang magtutuloy sa legasiya ni Manny Pacquiao?

Usap-usapan sa social media matapos muling umingay ang pangalan ng anak ni Manny Pacquiao na Emmanuel ‘Eman’ Joseph Bacosa sa mundo ng boxing.

Nagwagi kasi si Eman sa boxing kontra kay Nico Salado ng Bohol sa naganap na ‘Thrilla in Manila 2’ sa Smart Araneta Coliseum, Cubao noong October 29.

Naipanalo ni Eman ang kanyang laban sa lightweight-6 rounds via unanimous decision na may mga puntos na 58-55, 58-5, 60-53.

Super proud naman ang kanyang ama na si Manny Pacquiao at todo support rin ang kanyang stepmom na si Jinkee dahil spotted sila habang nanonood ng laban ni Eman.

Manny Pacquiao and Jinkee were spotted watching Eman’s recent fight
Manny Pacquiao and Jinkee

Pagbabahagi ni Manny : “Proud siyempre, dahil nanalo ang boxing natin. Mas ganado ako manood kaysa ako ang lalaban.”

Wika rin ni Manny na very soon ay aapak na si Eman sa international boxing : “I’m sure papunta yan dun.”

Sino si Eman Bacosa Pacquiao?

Si Eman ay anak ni Manny Pacquiao kay Joanna Rose Bacosa na isang receptionist sa Pan Pacific Hotel sa Malate, Manila. Nagsimula ang kanilang relasyon noong April 18, 2003.

Habang si Manny naman ay kasal kay Jinkee noong 1999 via civil wedding at muli silang ikinasal sa simbahan noong May 9, 2000.

Ayon kay Joanna, niyaya raw siya ni Manny para sa early breakfast around 3am pagkatapos ng kanyang duty sa trabaho, ngunit nagtaka siya dahil hindi siya dinala ni Pacquiao sa restaurant.

Dinala raw siya ni Manny sa Winston Lodge, Pasay City para makipag-one night stand.

Pagbabahagi ni Joanna : “Pagkatapos sinubukan niya akong abutan ng pera na hindi ko alam kung magkano, subalit hindi ko ito tinanggap dahil hindi naman ako bayarang babae.”

Paulit-ulit na may nangyari sa kanila ni Manny simula April 18th, 22nd, 28th at 29th ng 2003. Dito na nabuo ang kanilang baby boy na isinilang noong January 2, 2004 at pinangalanan nila itong Emmanuel ‘Eman’ Joseph.

Pinabulaanan naman ni Manny na may nangyari sa kanila ni Joanna taong 2003, ayon sa kanya na ang one night stand ay nangyari taong 2004 na.

Say ni Manny : “One time po na nagkakilala kami niyan, talagang umiinom pa ako noon. Lasing na lasing ako tapos sumama siya sa akin. May nangyari sa amin na isang beses lang tapos that time may boyfriend din siya.”

Well, marami pa ang naganap sa isyu na ito ni Manny, humiling pa ito ng DNA test matapos siyang kasuhan ni Joanna dahil sa pagpapatigil nito ng child support kay Eman na noo’y 2 years old pa lamang.

Only time will tell talaga dahil sa kasalukuyan ay kamukhang-kamukha ni Manny si Eman, no DNA test needed.