Courtesy : Julia Barretto and Gerald Anderson

Julia Barretto, nagsawa na kay Gerald Anderson.

Hanggang sa ngayon ay usap-usapan parin ang tungkol sa break up nina Julia Barretto at Gerald Anderson dahil umano may third party.

Ibinahagi ng talent manager na si Ogie Diaz sa kanyang Youtube vlog na nasa ‘cool off’ stage umano ang dalawa at ayon sa kanyang source ay gusto na diumano ni Julia na makipaghiwalay ng tuluyan kay Gerald.

Ani Ogie : “Hindi sa wala na sila, ang sinabi sa akin [ng source] ay ayaw na ni Julia. Kung baga ayaw na ni Julia sa relasyon [nila] pero kay Gerald meron pa, si Julia ayaw na [talaga],

“Yun lang ang nakarating sa atin na hindi ko alam kung saan nanggagaling itong pag-ayaw ni Julia kay Gerald, kaya kung mapapansin ko raw sabi ng aking source, ‘tingnan mo hindi na sila nagkikita.’” say ni Ogie.

Nakarating din kay Ogie ang panunuyo ni Gerald kay Julia at nagagawa pa raw nitong pumunta sa bahay ng aktres para lang makipag-ayos, ngunit ayaw na raw diumano talaga ni Julia na makipagbalikan sa aktor.

Dagdag ng talent manager : “But Gerald is trying to pursue Julia, pumupunta raw si Gerald [kay Julia], kung totoo man to ah, ang sabi ng aking source ay pumupunta raw si Gerald doon sa bahay ni Julia, pero parang ayaw nang makita ni Julia si Gerald, muna,”

Hindi lingid sa marami na matagal nang nababalitang hiwalay na sina Julia at Gerald, napapagod na rin umano ang aktres sa paulit-ulit na mga balita ng kanilang hiwalayan kaya mas minabuti nila na maging pribado ang kanilang relasyon.

Kinumpirma nina Julia at Gerald ang kanilang relasyon noong 2021, dalawang taon ang nakalipas matapos masangkot si Julia as third party sa relasyon ni Gerald sa aktres na si Bea Alonzo taong 2019.

Paglilinaw ni Julia noon : “I believe Gerald has already made it clear that a third party was not the cause of their breakup. I would like to disassociate myself from the breakup of Bea and Gerald. Their issues are entirely their own,”

Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng kani-kanilang pahayag sina Julia at Gerald tungkol sa kanilang break up.