Usap-usapan sa Reddit community ang break up nina Julia Barretto at Gerald Anderson matapos itong kumpirmahin ng Viva Artists Agency.
Hindi lingid sa marami na matagal nang pinag-uusapan ang hiwalayan ng celebrity couple na sina Julia at Gerald, Sept. 18 ay kinumpirma na ito ng kanilang mga talent managements.
Ayon sa Viva (talent management ni Julia), tuluyan na ngang naghiwalay ang dalawa at nanawagan rin sila na wag agad maniwala sa mga bali-balitang kumakalat online tungkol sa kung ano ang mga rason ng kanilang break up dahil ang tanging makakasagot lamang nito ay sina Julia at Gerald.
Ani ng VAA : “On behalf of our artist, Viva Artists Agency confirms that Julia Barretto and Gerald Anderson have mutually and amicably parted ways for some time now.
“The circulating speculations in recent weeks regarding the reason for their breakup are unfounded and baseless.
“We emphasize that only information coming directly from Julia or Gerald should be regarded as accurate, as they are the primary parties involved. Any other claims are merely attempts to ride on the issue or to spread false information.” dagdag nila.

Naglabas rin ng kanilang pahayag ang talent management ni Gerald na Star Magic, pareho sa VAA kinumpirma rin nila ang break up ng dalawa at humihingi sila ng respeto sa naging desisyon ng celebrity couple.
Ani ng Star Magic : “Star Magic confirms that Gerald Anderson and Julia Barretto have mutually decided to end their relationship.
“We request the public to respect their decision and refrain from spreading false narratives.
“Gerald and Julia are grateful to their fans and friends for the love and support.” pahayag ng Star Magic.
Samantala, naghayag naman ng kanyang pagsuporta si Claudine Barretto para sa kanyang pamangkin, matapos kasi na ma-anunsyo ang hiwalayan nina Julia at Gerald ay agad nitong ibinahagi ang art card ng break up announcement ng celebrity couple.
Caption ni Claudine : “ALL IS WELL. I’m right here. We all are. Your strength amazes me. @juliabarretto”
Sa ngayon ay nali-link naman si Julia Barretto sa businessman na si Lucas Lorenzo, siya ang CEO ng RCGI o Restaurant Concepts Group, Inc. na kapatid ni Basti Lorenzo (asawa ni Claudia Barretto). Kapatid rin nina Lucas at Basti ang asawa ng aktres na si Erich Gonzales na si Mateo Lorenzo.
Kaya tila nakilala nga ni Julia si Lucas sa pamamagitan ng kanyang kapatid na si Claudia.
Habang ang aktor na si Gerald Anderson diumano ay naging regular na sa kakapanood ng PVL games dahil diumano kay Vanessa ‘Vanie’ Gandler ang Signal HD Spikers volleyball player.