Joy Barcoma, sinupalpal ang Yes FM Manila.

Ano ang issue ni Joy Barcoma sa Yes FM Manila na pinag-usapan sa Reddit?

Sinupalpal ni Miss Philippines Earth 2025 na si Joy Mayanne Barcoma ang radio station na Yes FM Manila sa social media.

Nag-simula ang pag-callout ni Joy sa naturang radio station matapos itong mag-bahagi ng isang blind item na tumutukoy sa isang personalidad na ‘bully’ diumano no’ng estudyante pa ito.

Kalakip sa naturang viral blind item ang mga larawan ng mga mata ng beauty queen, caption pa ng Yes FM : “Sinong ‘J’ ang BULLY raw no’ng ESTUDYANTE pa?”.

Agad naman na nakarating kay Joy ang social media post na ito ng Yes FM at agad na sinupalpal ang radio station. Sinagot rin niya na siya ang tinutukoy sa blind item.

Ani Joy : “Joy Barcoma! [yellow heart emoji] O eto naman- sinong ‘Y’ ang cloutchaser na radio station?”

Sa kasalukuyan, burado na ang pa-blind item ng Yes FM tungkol kay Joy pero hindi nakaligtas ang kanilang Facebook page na maka-tanggap ng samu’t-saring batikos mula sa netizens at sa mga pageant fans.

Komento pa ng netizens : “Puksa kung Puksa ang Jusa eh! hahaha deserve naman patulan ang mga cheap tabloid na yan.”

Dagdag pa ng isa : “Joy Barcoma Dinelete na yata nila ang post nila! Oh Yes FM Manila anu na clout chaser daw ang station niyo? Pero feel ko totoo naman ginawang issue ulit para umingay station niyo?”