Pasok ang anak nina Neil Arce at Angel Locsin na si Joaquin 18, sa PBB.
Mukhang tuloy-tuloy na ang pagpasok ni Joaquin Arce sa mundo ng showbiz dahil isa na siya sa mga official housemates ng PBB.
Si Joaquin ay anak ng film producer, direktor at writer na si Neil Arce. Siya ay ang step-son ng aktres na si Angel locsin.
Ipinakilala ngayong araw Oct. 21 sa ’24 oras’ si Joaquin bilang unang opisyal na housemate na nagmula sa kapamilya at Star Magic, kasabay niyang na-reveal ang kapuso aktres na si Sofia Pablo na nagmula sa kapuso at Sparkle GMA Artists Center.
Ang PBB moniker ni Joaquin ay ang Rising Dreamer ng Muntinlupa, habang si Sofia naman ay ang Strong-Willed Sunshine ng Quezon City.

Bakit pumasok si Joaquin Arce sa PBB?
Ayon kay Joaquin, sobrang fan siya ng reality show na PBB, ibinahagi pa nga nito na sinubaybayan talaga niya ang nakaraang season na kung saan ang ‘BreKa’ ang itinanghal bilang first PBB collab Big Winner duo’s.
Wika ni Joaquin : “I’m a fan of the [PBB] show, so I watched [the] last season. I’m a huge fan of PBB as a show. So, I decided, why not give it a try?”
Ibinahagi rin ni Joaquin kung paano niya pinaghandaan ang kanyang pagpasok sa loob ng Bahay ni Kuya.
Say ni Joaquin : “I hung out with as much friends as possible. Of course, keeping quiet. But for me, in my mind, oh, I’m not going to see them for a while. Parang kailangan ko na mag-hang out sa family ko, sa mom ko, sa dad ko.”
Naikwento rin nito kung ano ang bagay na dadalhin niya sa loob ng bahay ni Kuya na kasama sa kanyang mga gamit.
“I’m big on toiletry… May dalawa akong toothpaste. Usually, pang four months ‘yung isang tube ng toothpaste. Pero may dalawa akong tube, just in case, you know, if I wanna share.” dagdag ni Joaquin.
Kung ating babalikan, taong 2024 ay nagsimula si Joaquin bilang runway model, sumali siya sa Bench Fashion Week, Bang Pineda’s “State of Bang” show at na-featured rin ang binata sa Posh Magazine Thailand.
Taong 2025 naman nagtapos si Joaquin sa De La Salle Santiago Zobel sa Muntinlupa City sa edad na 18, July 2025 ay pumirma na siya ng exclusive contract sa Star Magic na co-manage ng Cornerstone Entertainment.
Sa ngayon, sina Joaquin at Sofia pa lang ang unang ipinakilala sa bagong batch na papasok sa Bahay Ni Kuya, sila na rin kaya ang magka-duo?