Taas noo na ninindigan si Sen. Jinggoy Estrada na wala siyang natanggap na kahit magkanong pera na nagmula sa mga flood control project.
Kung ating babalikan, hindi parin matapos-tapos ang usapin tungkol sa mga nawawalang budget para sa mga flood control projects ng ating pamahalaan.
Ito ang mga proyektong nilaanan ng gobyerno ng milyon-milyong mga pundo ngunit lumalabas sa imbestigasyon na binulsa ang halos kalahati ng budget kaya nagkaroon ng mga anumalya sa paggawa ng mga proyekto.
Dito na ginisa sa senado ang mga kontratista para malaman kung sino-sino ang mga taong sangkot sa paghahati-hati o nagkaroon ng kickback sa budget ng flood control projects.
Kaya naman isa si Jinggoy sa mga pinangalanan ni former Bulacan 1st district Assistant Engr. Brice Hernandez na tumanggap diumano ng malaking halaga na nagmula sa flood control projects para sa Bulacan.
Ani Hernandez : “Kung tatanungin nyo po ako kung sino o kanino kami naging bagman.. si Senator Jinggoy Estrada, Senator Joel Villanueva, Usec. Robert Bernardo at District Engr. Henry Alcantara,”
Agad naman na pumalag si Jinggoy dahil sa pagdawit sa kanyang pangalan, ayon sa kanya na sasampahan niya ng kaso si Hernandez at hindi niya umano papayagan na basta-basta nalang may sisira sa kanyang pangalan.
“Just common sense, will you think? I will be actively participating in this investigation na nandoon siya (Hernandez), kilala ko siya.. nagbibigay siya ng pera sa akin? I should have abstained from this hearing. Malakas ang loob ko dahil I never, I did not, commit any illegal act,” paglilinaw ni Estrada.
Ayon kay Estrada na puro kasinungalingan umano ang pagdawit sa pangalan niya na tumanggap diumano siya ng 30% mula sa budget ng mga flood control projects.
Aniya : “I will not allow this brazen attempt to smear my name to go unanswered, this will not pass quietly, beyond the administrative and criminal liabilities he may face, I will ensure that Mr. Hernandez is held accountable for perjury and made to answer for his deliberate falsehoods before the proper judicial forum,
“These claims are not only malicious, they are blatant lies, clearly intended to mislead the public, besmirch my name again, and discredit my continued participation in the Senate hearing,
“Gaya ng mga guni-guni nilang flood control projects, guni-guni rin ang sinasabi niya na 30% commitment ko daw.” dagdag ng senador.