Jinggoy Estrada, kinasuhan si Robby Tarroza.

Jinggoy Estrada and Robby Tarroza issue
Jinggoy Estrada at Robby Tarroza

Pumalag na si Sen. Jinggoy Estrada tungkol sa mga patutsada ni Robby Tarroza sa social media.

Sinampahan ni Sen. Jinggoy Estrada ang dating aktor na si Robby Tarroza ng kaso matapos ang mga malisyosong posts nito online.

Bakit sinampahan ng case ni Jinggoy si Robby?

Kung ating babalikan, tila sunod-sunod ang mga patutsada ni Robby Tarroza laban kay Jinggoy Estrada sa social media noong Setyembre matapos madawit ang senador sa flood control scandal.

Lumabas pa ang mga personal na issue nilang dalawa gaya ng pang-aagaw diumano ni Jinggoy sa boyfriend ni Robby, hinamon pa ni Tarroza na mag-resign si Estrada bilang senador.

Ani Tarroza : “Jinggoy mag resign ka na!!! kundi i will be forced to tell the country about your double life!!! You are one of the reasons bat kami naghiwalay. i have ALL the receipts dear. Try me!  pareho lang kayo ng EX ko…, BABOY!!”

Robby Tarroza post about Jinggoy Estrada
Robby Tarroza post

Nasundan pa ito ng mga posts ni Bobby tungkol sa lumang ulat na muling pagdugo ng puwit ni Jinggoy na agad pinag-pyestahan at pinagtawanan sa social media. Tinawag pa nitong “Bakla at sinungaling” si Estrada.

Dahil dito ay tuluyan nang sinampahan ng kaso ni Jinggoy si Robby dahil sa mga paninirang mga posts nito na walang umanong mga ebidensya.

Kasabay rin sa kinasuhan ni Sen. Estrada ay si Brice Hernandez, and dating engineer ng DPWH matapos dinawit nito ang kanyang pangalan sa mga kumuha umano ng kickback mula sa mga flood control projects.

Ayon sa ulat ni Salve Asis mula sa Pilipino Star Ngayon : “Maging ang former actor na si Robby Tarroza ay sinampahan na rin ng reklamo ni Sen. Jinggoy. Hindi pa nga lang daw mai-serve ang demanda sa dating actor sa kasalukuyan dahil nasa Amerika [pa] ito ngayon.”

Samantala, taas noo at matindi ang paninindigan ni Jinggoy na wala siyang nakuhang kickback sa kahit anong flood control projects.

Ani Jinggoy : “I will not allow this brazen attempt to smear my name to go unanswered, this will not pass quietly, beyond the administrative and criminal liabilities he may face, I will ensure that Mr. Hernandez is held accountable for perjury and made to answer for his deliberate falsehoods before the proper judicial forum,

“These claims are not only malicious, they are blatant lies, clearly intended to mislead the public, besmirch my name again, and discredit my continued participation in the Senate hearing. Gaya ng mga guni-guni nilang flood control projects, guni-guni rin ang sinasabi niya na 30% commitment ko daw.” dagdag pa ng senador.