Jericho at Direk Tarog, minura ng apo ni Manuel L. Quezon.

Jericho Rosales on Quezon post-screening discussion
Jericho Rosales and Ricky Avanceña

Bakit minura ng apo ni Manuel L. Quezon sina Jericho Rosales at Direk Tarog?

Pinagmumura ng apo ni Manuel L. Quezon na si Ricky Avanceña sina Jericho Rosales at ang Direktor ng Quezon na si Direk Jerrold Tarog.

Nagkaroon ng tensyon sa pagitan nina Jericho, Direk Tarog at Ricky sa mismong post-screening discussion ng biopic film nila na ‘Quezon’ sa Makati noong Oct 22.

Sa naturang Q&A session nila, tumayo at nagtanong ang apo ni Manuel L. Quezon na si Ricky Avanceña sa direktor na si Jerrold Tarog kung ang pelikula ba nila ay political satire o hindi.

Tanong ni Ricky : “Was this film political satire or not?”

Sagot ni Direk Tarog : “Yes.”

Dito na biglang kumulo ang dugo ng apo ng dating presidente at nagsimula na silang magka-sagutan nina Direk Tarog at Jericho.

Wika ni Ricky : “So nagbibiro ka lang pala? So joke pala ito? Wag natin papaniwalaan, joke pala ito! It is satire!”

Dito na nagsimulang pigilan ni Jericho na magsalita si Ricky at mas lalong uminit pa ang sagutan nila.

“With all due respect, sir, I understand your feelings. But this is a Q&A for our film.” say ni Echo.

At pinagmumura na nito sina Jericho at Direk Tarog.

Pagbabahagi ni Ricky : “At this point Jericho Rosales stood up and told me to stop talking. That other people had questions. So ayaw nila marinig ang opinyon ng isang direct descendant?

“Tangina nilalako nila ang pambababoy sa alaala ng mga taong patay, at di nila ako hahayaan na magpahayag ng damdamin at ipagtanggol sila? At hindi naman kung sino lang ang Lolo ko, at nagbayad naman ako ng tiket.”

Dagdag pa nito : “Well ang ending, sabi ko, ‘Sige but allow me to channel my Lolo, Punyeta, mga kupal kayo!, Putangina nyo’!. So, I’m not saying don’t watch the movie, hayaan na natin kumita yung mga bayarang puta na yun sila.”

Si Ricky Avanceña ay apo ng dating presidente, anak siya ni Zenaida “Nini” Quezon-Avanceña ang pangalawang anak ni Manuel L. Quezon kay Aurora Quezon na dating first lady.