Ano na kaya ang relationship status nina Jak Roberto at Kylie Padilla?
Usap-usapan sa social media ang tungkol sa relasyon nina Jak Roberto at Kylie Padilla, maraming netizens kasi ang napatanong kung sila na ba talaga?
Nagsimula ang haka-haka ng mga netizens na may nabubuong pagmamahalan na kina Jak at Kylie matapos ang kanilang panayam kay Nelson Canlas sa 24 oras noong Oct. 8.
Naitanong kasi ni Nelson sa dalawa kung ano na nga ba ang tunay na real score nila sa kasalukuyan, sinagot lamang ito ni Kylie ng : “It is what it is”.
Ayon kasi sa mga ulat, nagka-developan na diumano sina Kylie at Jak dahil sa serye nilang ‘My Father’s Wife’ sa GMA kapuso network.
Sa naturang serye ay ginaganapan nilang dalawa ang couple na may anak habang magka-love team naman sila sa dati nilang serye na ‘Bolera’.
Jak Roberto at Kylie Padilla past relationship.
Kung ating babalikan, tumagal rin sa 7 years ang naging relasyon ni Jak Roberto sa aktres na si Barbie Forteza at inanunsyo ang kanilang hiwalayan noong January 2025.
Matagal na rin na hiwalay si Kylie Padilla sa kanyang estranged husband na si Aljur Abrenica na kinumpirma ang kanilang break up taong 2021.
Si Kylie at Aljur ay ikinasal noong Dec. 11, 2018 at nagkaroon sila ng dalawang anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo.
Jak Roberto, Fast Talk.
Sa latest interview naman ng aktor na si Jak Roberto sa talk show na ‘Fast Talk with Boy Abunda’ sa Kapuso Network noong Oct. 10, dito na niya sinagot ang mga haka-haka ng mga netizens tungkol sa kanilang dalawa ni Kylie.

Naitanong ni Boy Abunda kung tunay ba na nanliligaw na siya kay Kylie.
Sagot ni Jak : “Hindi po, Hindi po. We’re so comfortable with each other kasi nagka-work na rin kami before, sa Bolera,”
Sa patuloy na pagbabahagi ni Jak kay Tito Boy, naitanong sa aktor kung magkakaroon ba ng pagkakataon or any chance na ligawan niya si Kylie?
Sagot ni Jak : “You know, Tito Boy.. hindi siya mahirap mahalin, napaka-open, genuine, and napaka-talinong kausap. So for me? wala naman sigurong guy na hindi mai-inlove sa kanya dahil ganoon siya ka-genuine na tao,
“And kung bibigyan ako ng chance? siguro hindi pa ngayon. Kasi gusto kong ingatan kung anong mayroon kami ngayon bilang close na mag-kaibigan.” paglilinaw ng aktor.
Reaksyon ng netizens sa chemistry nina Jak at Kylie.
Sa ngayon, maraming netizens naman ang humihiling na sana ay more projects pa para kina Kylie at Jak dahil sobrang lakas umano ng chemistry nilang dalawa.
Ani ng netizens : “More projects sana sa Jaklie uy please GMA bitin kasi ehhh patapos na ang my fathers wife.”
“Grabi lakas ng chemistry ni Jak and Kylie sa My Fathers wife.. patapos na pala ka sad nakakamis ang mga cast, lalo na c Jak and Kylie”
“More project pa sana ang jaklie super kilig ako haha ang sarap NG ngiti ni jak best girl friend nya daw si Kylie soon sana ligawan mo na” dagdag pa ng isa.