Tumaas ang kilay ni Iyah Mina sa crew ng Starbucks dahil ‘sir’ ang tawag sa kanya kahit makapal raw ang blush on niya.
Hindi nakapag-pigil ang singer at komedyante na si Iyah Mina matapos siyang paulit-ulit na tawaging ‘sir’ ng isang staff sa Starbucks.
Sa pagbabahagi ni Iyah sa social media, dumaan siya sa West Avenue branch ng Starbucks sa Quezon City para mag-drive thru ngunit tinanong pa siya ng crew kung ‘sir’ ba or ‘maam’ ang gusto niyang itawag sa kanya.
Chika ni Iyah : “Starbucks Philippines west avenue quezon city! Kaloka kayo ha! Okay lang naman na magkamali ng tawag! Paulit ulit lng talaga un tawag na Sir.. kung hindi alam itatawag na pronoun eh wag ng itawag..
“tinanong mo pa ako ulit Sir ba o mam talaga ba? Kapal ng blush on ko! Etong masama pakiramdam ko dai.. KAUSAPIN NIYO UN D.T.O at nasa cashier!” dagdag nito.
Tila hati naman ang komento ng mga netizens sa pag-call out na ito ni Iyah sa Starbucks staff, anila na kung tinitigasan pa raw ang komedyante ay maari siyang tawagin na sir.
Say ng netizen : “Tinitigasan ka diba? o edi sir ka hindi maam.”
“As far as i know strabucks baristas or staffs, they dont call guest or kapwa worker nila ng sir/ma’am. And yet ginamit parin nya. So tama lang na icall out sa manager yan, miss iyah.”
“Bkit b kami dapat mg adjust syo? kala ko p nmn babae k kaya k ngrarant. Mdli k sana namin ipagtanggol kung 100 percent kang girl eh.”
“Aba’y mag react ka kung nasa tama ka…..naka make up ka lang pero lalaki ka Naman talaga…..Ang gay ay still a boy kaya SIR PARIN at Ang tomboy ay still a girl kaya MA’M PARIN……tinanggap na nga kau ng lipunan pati ba Naman yang simpleng bagay o pag tawag sa inio nirereklamo nio pa.” dagdag pa ng isa.
Dahil sa mga negative comments na natatanggap ngayon ni Iyah, naglabas siya ng bagong post at nilinaw nito na shinare lang niya ang kanyang karanasan pero hindi para mang-insulto ng kahit na sino.
Dagdag niya : “Ang gagaling niyo naman sa comment section super husay niyo.. pero pag nakinuod naman kayo ng mga videos namin, nakita sa mga event tuwang tuwa kayo.. HUWOW NAMAN TALAGA! PERPEK NIYO!
“Ginamit ko tong platform nato to tell what happen.. pero hindi manginsulto ng sinu man.. Kayong mga nagcomment ng walang alam.. ay wag na pala sayang oras para patulan.” chika ng komedyante.

