Inday Barretto, pumanaw na sa edad na 89.

Pumanaw na si Estrella Barretto o mas kilalang ‘Mommy Inday’ sa mundo ng showbiz.
Nakumpirma na pumanaw na si Inday Barretto sa pamamagitan ng mga social media posts ng kanyang anak na si Joaquin ‘JJ’ Barretto.
Si Inday ang itinuturing na haligi ng pamilyang Barretto. Isa sa pinaka-maimpluwensyang pamilya sa Philippine showbiz.
Binawian siya ng buhay ngayong araw Janury 29, 2026 habang naka-confine sa St. Luke’s Medical Center.
Siya ay biyuda ng yumaong si Miguel Barretto at ina ng kanyang pitong anak, kabilang sina Gretchen, Marjorie at Claudine Barretto.
Bago ang kanyang pagpanaw, naging usap-usapan at laman siya ng balita matapos ang isang emosyonal na panayam kay Ogie Diaz, kung saan inamin niyang may hidwaan man sa pamilya, nananatili ang pagmamahal niya bilang isang ina.
Pagbabahagi niya : “This [Barretto] family, mag away-away kayo but no one can beat the love that is in this family kaya may away. Kasi kung kaaway kita edi sigawan mo ko, pagtatawanan kita–– paki ko. Pero kung love kita, tinaasan mo ako ng boses, ang sakit ah. It’s like that.”
Kung ating babalikan, January 27 ibinahagi ni Joaquin sa social media na lumubha ang lagay ni Inday habang ito ay nasa-ospital at kailangan na ilipat sa ICU o Intensive Care Unit.
Caption pa niya : “Mom will be transferred to the ICU later, it’s not good.”

Ngayong araw January 29, kinumpirma ni Joaquin na pumanaw na ang kanyang ina sa pamamagitan ng kanyang post sa social media.
Ani Joaquin : “Rest in peace, Mom. I love you.”
Sa kasalukuyan, hindi pa ibinahagi o isina-publiko ng pamilya Barretto kung ano ang dahilan o cause of death ni Mommy Inday.






