Viral at usap-usapan ang pag-flex ni Sen. Imee Marcos ng kanyang crocodile bag sa senado sa gitna ng usapin tungkol sa korapsyon.
Ayon sa mga netizens, tila patama o pasaring ito ng senador sa mga buwaya o mga korap na politikong sangkot sa flood control corruption na mainit paring tinatalakay ngayon sa senado.
Ayon sa isang netizen : “Puro buwaya walang kabusugan.. paano na ang Pilipinas.. paano na ang mga mamayan..”
Sa OOTD ni Sen. Imee, tila bumagay talaga ang outfit niya sa dala-dala niyang ‘buwaya bag’ kaya agad itong napansin ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri.

Pagbabahagi pa ni Zubiri na sa buong buhay niya ay ngayon lang siya nakakita ng bag na may crocodile design, naitanong pa nito kay Imee kung sino o ano ang pangalan ng buwaya na dala ng senador.
Ani Zubiri : “I’d just also like to make special mention of the bag of Senator Imee Marcos, I have never seen such kind of a unique bag. It can be focused. Does that have a name?”
Ngunit hindi sinagot ni Imee si Zubiri pero tawang-tawa ang senadora habang nakayakap sa kanyang BB bag, yes! BB bag ang tawag niya dito na ang ibig sabihin ay “Bondying Buwaya”.
Sa kanyang social media post, ibinahagi ni Imee na nakahuli na siya ng isa at sana lahat raw ng mga buwaya sa gobyerno ay mahuli na.
Sa caption ni Imee : “Lahat nakaabang kung sino na ang mga bagong pinuno ng mga komite sa Senado ngayong Martes, Setyembre 9, pero agaw eksena talaga masyado ang BB [bondying buwaya] bag na dala ko.
“Nakahuli na ako ng isa. Dapat makulong silang lahat. Lahat ng buwaya. Lahat ng lulong,” dagdag ng senador.
Hanggang sa ngayon ay usap-usapan parin ang korapsyon sa flood control projects ng ating pamahalaan, marami rin na nasa posisyon ang nadamay at nasali sa listahan na inilabas ng mga kontratista na kung saan kumuha diumano ng kickback o malaking pera mula sa budget ng mga proyekto.
Kaya ang ending, halos lahat ng mga proyekto sa flood control ay substandard ang mga materyales o di kaya nama’y ghost projects, mga proyekto na ‘marked as completed’ na sa records pero noong pinuntahan ay hindi mahanap o hindi talaga ginawa.
Dahilan upang hindi parin natatapos ang baha sa ating bansa.