Courtesy : Arjo Atayde

House tour vlog ni Arjo Atayde, na-private na.

Usap-usapan ngayon ng mga netizens ang biglaang pag-private sa house tour vlog ni Arjo Atayde sa Youtube channel ni Julius Babao.

Ayon sa isang netizen na nakapanood sa naturang video bago ito na-private, nakaka-shock umano ang painting collections ni Quezon City 1st District Congressman Arjo Atayde.

Ani ng netizen : “Napanood ko yan.. ang mga collections nila ng mga paintings is wow.”

Kung ating babalikan, isa rin sa vlog ni Julius ang pinag-usapan online dahil sa naging panayam nito sa mag-asawang Discaya kamakailan, dito kasi ipinakita ang milyon-milyong halaga ng mga luxury cars na flinex nila sa naturang video.

Nabanggit pa ng mag-asawang Discaya na yumaman at gumanda ang kanilang buhay matapos silang nakapasok at nakakuha ng maraming proyekto sa DPWH.

Naging daan rin ang vlog na ito ni Julius upang imbestigahan ang mga Discaya sa senado dahil sa ipinakita nilang yaman at mga kotseng galing pa raw sa ibang bansa.

Dito na ipinatawag ang mga Discaya sa senado dahil lumalabas sa imbestigasyon na sangkot diumano ang kanilang 9 na kompanya sa korapsyon ng mga flood control projects ng ating pamahalaan.

Dahil sobrang pinipiga na ang mag-asawang Discaya sa senado, dito na nila napagdesisyunan na ilabas ang listahan ng mga taong sangkot diumano sa korapsyon ng flood control projects.

Mababasa sa listahan ang mga kongresistang kumuha diumano ng kickback o porsyento ng pera sa total budget ng proyekto kaya nagkakaroon ng anumalya sa pagpapatayo nito, kung hinndi substandard ang mga materyales, nagiging ghost projects nalang ito dahil sa hinati-hating budget para sa proyekto.

Guess what? isa ang pangalan ni Cong. Arjo Atayde na pasok sa listahan ng mga Discaya.

Ani Curlee Discaya : “We had no choice because if we didn’t cooperate, they would create problems for the project awarded to us through mutual termination or right-of-way issues, both of which would prevent the project from being implemented,

“After we won the bidding, some DPWH officials approached us to ask for and take their share of the project amount,

“We are humbly asking the Senate blue ribbon committee and President Bongbong Marcos Jr. for the protection and security of our family,” dagdag ni Curlee.

Agad naman na naglabas ng kanyang pahayag si Cong. Arjo at pinabulaanan nito na kahit kailan ay wala siyang koneksyon sa mga Discaya.

Ani Arjo : “I categorically deny the allegation that I benefited from any contractor. I have never dealt with them. Hindi po totoo ang mga akusasyon na ito, I have never used my position for personal gain, and I never will.

“I will avail of all remedies under the law to clear my name and hold accountable those who spread these falsehoods,” paglilinaw ni Arjo.

Dahil ba sa pagdawit ng mga Discaya kay Cong. Arjo kaya agad nitong pina-private ang kanyang house tour vlog?

Ayon naman kay Curlee, tinext at chinat niya umano si Arjo para ibalik sa kanya ang PHP60M na kinuha umano ng kongresista sa kanyang kompanya na mula sa flood control projects.

Ani Curlee : “Actually po, yung tulong na tinext ko sila at chinat, yun po ang halaga ng dapat isauli nila sa amin, yung balanse pa po, for sample po, yung katulad kay Cong. Arjo Atayde po, bale PHP60 million po ang sinabi ko sa chat ko,

“Kasi PHP60 million po yung pinababalik ko sa kanyang pera po na ibinigay ko sa tatay niya, nakiusap po [ako],

“Utang po ang tema ng dating ko, pero ipinapasauli ko po yung mga kinuha sa akin, lahat po, tinext ko sila lahat. napakarami po nila… napakarami po nila.” dagdag ni Mr. Discaya.