May patama raw si Heart para sa komedyanteng si Vice Ganda?
Usap-usapan ang IG story ni Heart Evangelista na ‘Bading Amputa’, say naman ng mga netizens na patama ito para kay Vice Ganda.
Kung ating babalikan, nagsimula ang tila alitan nilang dalawa matapos sabihin ni Vice ang tungkol sa bulok na paaralan sa probinsya ni Heart sa It’s Showtime.
Dito na ibinahagi ni Vice na maraming kabataan ang nag-aaral sa iba’t-ibang sulok ng bansa na walang maayos na mga classrooms.
Wika ni Vice : “May pinuntahan na akong lugar doon sa probinsiya nila Heart Evangelista. Isang paaralan na walang reading materials.”
“Bulok yung paaralan doon sa lugar nila Heart Evangelista. I cried so much when I saw that school.” dagdag ng komedyante.
Hindi naglabas ng kanyang pahayag si Heart tungkol sa pasaring na ito ng komedyante ngunit agad na naglabas ng statement ang Mayor ng Bulusan Sorsogon, lugar kung saan makikita ang naturang paaralan.
Ayon kay Mayor Wennie : “Nagpapasalamat po ang LGU Bulusan sa ipinakitang malasakit ni Vice Ganda, ngunit ang paraan ng pagsasamadla ng kanyang donasyon na may komentong ‘bulok na paaralan at walang reading materials’ ay nagdulot ng kahihiyan sa Bagacay Elementary School, sa bayan ng Bulusan at sa Department of Education.”
“Nais ko pong bigyang-diin na wala pong kinalaman si Ms. Heart Evangelista-Escudero sa isyung ito,” bahagi ng pahayag ni Mayor Wennie.
Halos tatlong linggo matapos ang naging issue sa pagitan nina Vice at Heart, tila may pasaring ang asawa ni Sen. Chiz Escudero sa kanyang IG story.

Marami sa mga netizens ang nagsasabing si Vice ang pinapatamaan ni Heart ngunit mas kinampihan nila ang komedyante.
Ani ng netizen : “Gay is never and should never be an insult. Buti na lang si Pia, she supports the plight of the queer community and also HIV causes. Siya? [si Heart], wala. She’s pushing 50s with her attitude.”
“Akala ko ba classy? This is such cheap squammy behavior. She knows what she’s doing and she’s not even subtle about it. Yuck!”
Dagdag pa ng isa : “The disproportionate audacity of this heartless trapo.”




