Harry Roque, pumalag sa cause of death ni Catalina Cabral.

Hindi naniniwala si Atty. Harry Roque sa cause of death ni former DPWH usec. Catalina Cabral.
May malaking pagdududa ang dating presidential spokesperson na si Harry Roque matapos ilabas ang cause of death ni Catalina Cabral.
Hindi lingid sa marami na pumanaw si former Department of Public Works and Highways o DPWH undersecretary Catalina Cabral noong December 18 ng hating gabi matapos diumano itong mahulog sa bangin ng Kennon Road in Tuba, Benguet.
Ayon sa kanyang personal driver, hindi niya umano inakala na magagawa ng kanyang amo na tumalon sa bangin dahil wala raw itong naikwento sa kanya na pinagdadaanang problema.
Ani ng driver ni Cabral : “Di ko naman po alam na ganoon ang mangyayari. Wala naman po siyang kinukwento sa akin na kung mayroon siyang problema. Wala naman po siyang kinukwento sa akin.”
Pagbabahagi pa niya : “Pagdating po dito ng alas-tres, bumaba po siya, nagpa-iwan sa akin. Bago po naman iwan, naka-upo po siya sa may bato ta’s sabi n’ya balikan ko na lang siya. Pagbalik ko po siguro one hour, binalikan ko po wala na dito.”
Agad na kinumpirma ng Benguet Provincial Police Office ang pagpanaw ni Cabral sa oras na 12:03 am ng December 19. Natagpuan ang kanyang katawan na walang malay o unresponsive malapit sa ilog na may lalim na 20 meters mula sa highway.
Kung ating babalikan, nag-resigned bilang DPWH undersecretary si Cabral matapos siyang masangkot sa nakaka-kilabot na flood control scandal.
Dito na pumalag ang former presidential spokesperson na si Harry Roque matapos niyang mabalitaan ang biglaang pagpanaw ni Catalina Cabral.
Para kay Roque, duda siya sa cause of death ni Catalina Cabral dahil pangatlo na raw ito sa mga pumanaw matapos pumutok ang corruption sa flood control.
Ani Roque : “Usec Cabral is 3rd to have died since the flood scam. There too were engineers from Ilocos Norte and Sorsogon. Mafia style?”
Pagbabahagi nito : “Usec Cabral was kind to me. Sorry for her tragic end. Maraming buwaya ang makakalusot with her demise.”
Chika pa ni Harry Roque na may mga alam raw si Cabral sa insertions ng mga mambabatas tungkol sa flood control budget kaya hindi ito naniniwala na kusa itong nahulog o tumalon lang sa bangin.
Say ni Roque : “Alam ni Usec Cabral ang lahat ng insertions ng tongressmen, senatongs at Malacanang. Maniniwala ba kayo na nahulog [siya]?”







