Halloween Costume ni Andrea Brillantes, patok sa mga fans.

Andrea Brillantes dressed up as a black cat at 'New Nocturnals' event
Andrea Brillantes as Black Cat

Ang bongga naman ng halloween costume ni Andrea Brillantes.

Viral sa social media ang halloween costume na pag-transform ni Andrea Brillantes bilang black cat sa “New Nocturnals” event sa Makati City.

Ayon kay Andrea, ang tema ng naturang event ay tungkol sa nocturnals na mga bagay at mga hayop, kaya naisipan niya na maging black cat.

Pagbabahagi ni Andrea : “Naalala ko ng bata ako, kwentuhan [namin ng] yaya ko when I was younger, Tumatak [ang] kwento niya.. pag may nakita ka [raw] na itim na pusa, specifically a black cat, nagta-transform daw sila into a human. Ito ‘yun.”

Andrea Brillantes as Black Cat
Andrea Brillantes Halloween costume

Hindi lingid sa marami na taon-taon at tuwing halloween ay pasabog talaga ang costume ni Andrea.

Ayon kasi sa dalaga na bata pa lamang siya ay mahilig na talaga ito sa Halloween, sa pagco-costume umano ay mas nae-express niya ang kanyang sarili.

Naitanong rin sa kanya kung ngayong taon ay na-pressure siya sa pagiging black cat.

Wika ni Andrea : “Ever since [kasi] I was a kid mahilig ako sa Halloween, dito ko na-express creativity ko. Kinakabahan lang ako, sa sobrang creative ko, napapagastos ako ng sobra. Doon ako na pre-pressure.”

Chika pa ni Andrea na matagal ginawa ang kanyang black cat look/makeup na umabot ng ilang oras pero ang pinoproblema niya ay ang sa pag-uwi niya, kung matatanggal pa ba ang body paints sa katawan niya o hindi.

Aniya : “More than four hours or more, I started preparing 3 p.m, ang scariest thing is pag maligo ako mamaya, kinakabahan ako. Sana matanggal ko itong lahat.”

Marami naman sa mga netizens ang napa-wow sa naging costume na ito ni Andrea, say pa nila na isa talaga ang aktres sa mga kaabang-abang tuwing halloween.

Say ng netizen : “Always kaabang-abang tlga si Ang nag iisang Andrea Brillantes… boom!!!”

“Dati Ang ganda din yong costume Niya , tikbalang na engkanto Akala mo din totoo grabe at yong isa pa na nag costume ng demonyong may ahas na tooo haisst,, OMG grabe iba ka talaga Blythe kaw na panalo”

“kahit kilan si Andrea talga astig sa mga costume. litaw ang ganda lagi, taous dito kahit maitim sya di mu sya makikilala na sya si Andrea ,pero astig .litaw parin.” dagdag pa ng isa.

Samantala, pumirma ng kontrata si Andrea Brillantes sa TV5 sa ilalim ng MQuest Ventures.