Graduation ni Sachzna Laparan, ginawan ng issue.

Ano ang issue sa graduation ni Sachzna Laparan?

Naglabas ng hinanakit ang vlogger na si Sachzna Laparan matapos akusahan at ginawan ng issue ang kanyang graduation.

Kung ating babalikan, masayang ibinahagi ng vlogger ang pagtatapos niya sa kursong Bachelor of Science in Office Administration sa Philippine Christian University.

Dito na nakatanggap ng samu’t-saring batikos si Sachzna dahil hindi raw nakita ng mga netizens na nag-aaral ang vlogger, inakusahan pa nila na binili lang nito ang kanyang diploma.

Pahayag ni Sachzna : “Nasasaktan ako sa ibang articles na nababasa ko na sinasabing binili ko daw ang diploma ko.”

“Una sa lahat, hindi ganun ang pagkakakilala ko sa Philippine Christian University. May tinatawag na ETEEAP program, at bago ka makapasok doon ay may qualifications pa rin. May pera ka man o wala, kilala ka man o hindi, pwede ka pa ring ibagsak.’

Dagdag pa niya : “Kaya nga hindi pa ako nag-aasawa o nagkakaanak, dahil may mga goals pa akong gustong tapusin. Anyway, kahit ano pa sabihin ninyo, complete ako, masaya ang buhay ko, at PROUD DEGREE HOLDER AKO.”