Girlfriend ni Jimuel Pacquiao, manganganak na next month.

Jimuel Pacquiao girlfriend named Carolina
Jimuel Pacquiao and his girlfriend

Excited na maging Lola si Jinkee Pacquiao dahil manganganak na ang girlfriend ni Jimuel 24, sa susunod na buwan.

Usap-usapan sa social media noong July, ang tungkol sa engagement ng anak nina Manny at Jinkee na si Jimuel Pacquiao sa kanyang girlfriend.

Lumipad kasi ang pamilya Pacquiao patungo sa Los Angeles, California upang makipag-kita sa girlfriend ni Jimuel at sa buong pamilya nito nong July 24.

Caption pa ni Jinkee sa IG : “Tonight deserves something special. Family dinner time. Cherishing family moments.”

Pacquiao family dinner in Los Angeles, California with Jimuel and his girlfriend's family
Jimuel Pacquiao and Carolina’s Family

Sa naturang pagkikita ng dalawang pamilya ay tila napag-usapan na nila ang nalalapit na kasal diumano nina Jimuel at Carolina sa pamamagitan ng isang family dinner.

Girlfriend ni Jimuel Pacquiao, buntis?

Dahil sa may ala mata ng agila ang mga netizens sa social media, agad nilang napansin ang malaking tiyan ni Carolina sa mga larawan, ayon pa sa kanila na kumpirmadong buntis ang dalaga.

Malinaw umano para sa mga netizens na ang biglaang paglipad ng pamilya Pacquiao patungo sa California ay upang hingin ang basbas ng pamilya ni Carolina.

Ilang buwan ang nakalipas, kumpirmado nga ang pagbubuntis ni Carolina sa anak nila ni Jimuel dahil sa mga social media posts ni Jinkee Pacquiao online.

Jinkee Pacquiao may pa tribute kay Jimuel.

Sa social media post ni Jinkee kahapon, Oct. 14, tila ibinandera na nito ang pagdadalang tao ng girlfriend ng kanyang anak, dito na inamin ng asawa ni Manny na magiging lola na siya sa susunod na buwan.

Ani Jinkee : “The day I became your mother, my world changed instantly. @pacquiao.emmanuel. It marked the start of a new version of myself, one that is tender, tired, and transformed.

“Time flies so fast na ikaw ang karga karga ko noon sa susunod na buwan ang apo ko naman ang kakargahin ko.

“Grabe.. ang bilis ng panahon [dahil] sa susunod na buwan may apo na ako.

“So grateful to God. He is indeed good all the time!” dagdag ni Jinkee.

It’s a girl! – Sa mga sumunod na social media post ni Jinkee, dito na niya inamin na babae ang magiging apo niya kay Jimuel at Carolina.

Si Emmanuel Pacquiao Jr. o mas kilalang ‘Jimuel’ ay ang first born o panganay na anak nina Jinkee at Manny, sinundan ito nina Michael Stephen, Mary Divine Grace, Queen Elizabeth at ang bunso nilang anak na si Israel.

Sino ang mga ex ni Jimuel Pacquiao?

Ayon sa mga ulat, naging magka-relasyon sina Jimuel at ang aktres na si Heaven Peralejo noong March 2019 pero naghiwalay din agad sila the same year, nagka-balikan naman sila at tuluyan nang naghiwalay taong 2020.

Lumalabas kasi ang mga chismis online na pera lang diumano ang habol ni Heaven kay Jimuel kaya ayaw nina Jinkee at Manny sa dalaga para sa kanilang anak.

Inakusahan pa ng mga netizens si Heaven na isang ‘Gold Digger’. Agad naman na ipinagtanggol ni Jimuel ang dalaga at sinabing ‘hindi ganun’ ang kanyang nobya.

Ani Jimuel : “They don’t really know who she is, what she’s like. Ako, kilala ko po siya, si Heaven, kasi girlfriend ko siya. So, ang masasabi ko lang po ay… no way, she’s not! There’s no way na ganun siya.”

Matapos ang break up nina Jimuel at Heaven, kinumpirma naman ni Arabella del Rosario ang relasyon nila ni Jimuel noong 2021. Ngunit walang opisyal na mga ulat tungkol sa kanilang hiwalayan.

Hanggang sa dumating nalang ang araw ng May 21, 2025 na kung saan namataan si Jimuel habang may ka-holding hands na isang ‘mystery girl’, siya na pala ang endgame ng binata at dinadala na nito ngayon ang unang apo ni Jinkee at Manny.

Congratulations! Jimuel and Carolina.