Menu
Gigi de Lana, nag-collapse sa stage, anyare?

Ano ang dahilan sa pag-collapse ni Gigi sa Samal?
Viral sa social media ang pag-collapse ng singer na si Gigi de Lana sa mismong stage ng kanyang Gig sa Samal Island, Davao del Norte.
Si Gigi ang naging headliner sa grand culmination celebration 28th founding anniversary ng Island City of Samal na ginanap sa People’s Park noong March 7.
Ayon sa mga saksi, maayos na tinapos lang ng singer ang kanyang last song bago ito inatake ng kanyang anxiety sa mismong stage dahilan upang siya ay nag-collapse.
Kung ating babalikan, taong 2023 ng Mayo ay nag-collapse rin si Gigi de Lana sa kanyang mismong show sa Paoay, Ilocos Norte.
Naglabas naman ng pahayag ang management ni Gigi ng Tritone Entertainment tungkol sa insidente, ayon sa kanila, nasa maayos na ang kalagayan ng singer.
Ani ng Tritone : “To everyone who has been sending messages and asking about Gigi, thank you so much for your love and concern.
“After her performance last night in Samal Island City, Davao Del Norte, Gigi experienced extreme fatigue and briefly passed out after her final song. She was given immediate attention and care, and we’re grateful to share that she is now safe, stable, and currently resting.”
Bahagi pa ng pahayag : “Despite not feeling well, Gigi still chose to honor her commitment and perform for everyone who came to see her. This reflects the deep respect and professionalism she has for her audience.”
Dagdag nila : “We sincerely appreciate all the prayers, messages, and support you’ve been sending. For now, our priority is making sure she gets the rest and recovery she needs.”
