Free lifetime fuel or gas ni Hidilyn Diaz, hindi natupad.

Hindi pala natupad ang free fuel ng Phoenix para kay Hidilyn Diaz.

Muling pinag-usapan ng netizens si Hidilyn Diaz, ang first Filipino Olympic gold medalist na naka-tanggap ng free lifetime fuel from Phoenix.

Hindi lingid sa marami na nakakaranas sa kasalukuyan ng gasoline shortage o paglobo ng presyo ng fuel ang ating bansa dahil sa epekto ng giyera sa middle east.

Dito na muling nag-viral si Hidilyn matapos ma-alala ng netizens ang binigay na pa-incentive sa kanya ng kilalang oil company na Phoenix Petrolium dahil sa pagka-panalo nito sa Tokyo Olympics.

Caption pa ng Phoenix : “Phoenix to award Hidilyn Diaz with Php 5 million and lifetime free fuel.”

Dagdag pa nila : “From fueling the dream, we now hope to fuel inspiration with this sponsorship. Our hope is that this is only the beginning of a golden era for Philippine sports and that more entities from all sectors extend support so we can have more golds in the future.”

Kahapon nga ay nagsunod-sunod ang mga social media posts tungkol kay Hidilyn, anila na kung ang buong bansa ay sumasakit ang ulo sa presyo ng gasolina, may isang tao raw na ayahay sa kasalukuyan.

Ani ng netizens : “Ibig sabihin, sa tuwing daraan siya sa isang Phoenix station para magpa-gas… hindi niya kailangang isipin kung magkano na naman ang presyo kada litro.”

Dagdag pa ng isa : “Sa panahon na pabago-bago ang presyo ng langis sa buong mundo, isa lang ang sigurado. May isang Pilipino na naka-‘easy mode’ pagdating sa gasoline.”

Ngunit ayon sa mga ulat, drawing lang pala ang naturang pa lifetime fuel of gas kay Hidilyn ng Phoenix dahil hindi ito natupad.

Ibig sabihin, maging si Hidilyn ay sumasakit rin ang ulo sa biglang paglobo ng presyo ng gasolina sa ating bansa sa ngayon.