Francis Leo Marcos, hinamon si Manny Pacquiao ng suntukan.

Matapang na himanon ni Francis Leo Marcos si Manny Pacquiao ng one on one boxing.

Viral sa social media ang video ni Norman Mangusin o mas kilalang Francis Leo Marcos matapos nitong hinamon si Manny Pacquiao ng suntukan.

Kung ating babalikan, pumalag si Manny sa mga pasaring at mga pangungutya ni Francis Leo sa ina ng pambansang kamao na si Mommy Dionisia.

Nagawa pa nitong tawagin na ‘masahol pa sa baluga’ si Mommy D., inakusahan pa nito na nagkaroon raw malaking utang si Manny sa kanya na nagkaka-halaga ng PHP1.7B.

Ani Francis Leo : “Bakit yong nanay ni Pacquiao, mas masahol pa sa baluga.”

Dagdag pa niya : “2018 ‘yun.. that would be 1 billion and 700 million [1.7B]. itong si Manny Pacquiao napaghahalataan ng pagiging trapo [traditional politician]. May utang sa akin ‘yan eh di pa nagbabayad eh. 30M usd ang utang sa akin niyan.. nakademanda na yan.. lalabasan na nga ng warrant ‘yan eh.”

Dito na pumalag si Manny at sinabing hindi pa siya lubusang kilala ni Francis Leo at kung ano ang kaya niyang gawin, ibinahagi rin ni Pacman magsasampa sila ng kaso laban sa social media personality at bibisitahin pa raw niya ito sa kulungan.

Ani Pacman : “As much as possible, mako-control ko sarili ko. Kung hindi… pag pamilya ko na ang masangkot, tandaan mo ‘yan. Huwag mo paabutin sa sukdulan na magagalit talaga ako… kasi pag nagalit talaga ako, maniwala ka sa akin, ‘di mo pa ako kilalang lubusan.”

Dagdag pa niya : “Sige, file-lan natin [yan] ng kaso, tingnan natin kung ano ‘to.. tas pag-nakulong dadalawin natin sa kulungan.. ‘yung tapang nito? ‘yung bunganga nito tatahiin ko pa ‘to eh.. kalingkingan ko lang ‘yung tapang niyan eh.”

Matapos sumagot si Manny, lumabas naman ang video nang-paghahamon ni Francis Leo sa boxer ng sapakan at suntukan, kahit wala raw boxing gloves ay game na game raw siya.

Ani Francis Leo : “Sabihin mo sa kanya [kay Manny] siya maghamon.. darating ako..”

Dagdag pa niya : “oh? sige.. wala kamong [boxing] gloves ha? kama-kamao.. laban ako diyan..”

Sa kasalukuyan, habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa sumasagot si Manny sa hamon ni Francis.