Maraming netizens ang nagalit at hindi nagustuhan ang pag-finger heart ni Sarah Discaya habang patungo ito sa DOJ noong Sept. 27.
Kung ating babalikan, nagtungo sa DOJ ang mag-asawang sina Sarah at Curlee Discaya upang magsumite ng mga requirements para sa kanilang aplikasyon sa WPP o Witness Protection Program.
Habang papunta sila sa DOJ ay tila humarap sa camera si Sarah para mag-finger heart, agad na nagviral ang mga larawan na ito na ikinagalit ng mga netizens.
Isa na ang kapuso aktor na si Rocco Nacino ang na badtrip sa pag-finger heart na ito ni Mrs. Discaya aniya : “Walang konsensya. Itim ng ugali, kasing itim ng nunal niya.”
Matapos nilang magsumite ng mga requirements sa DOJ ay humirit ang mga reporters kay Sarah kung ano pa ang mga bagay na napag-usapan nila sa loob.
Sagot ni Sarah : “Gandahan niyo pa mga memes ko.”
Tila may alam si Sarah tungkol sa mga memes niya na lumalabas sa social media, huli na rito ang kanyang coke meme na kung saan ay lumabas pa ang kanyang dila matapos bigyan ito ng dalawang soda sa senado.

Samantala, pati ang DOJ ay hindi rin nagustuhan ang pag-finger heart na ito ni Sarah at agad silang naglabas ng kanilang pahayag.
Pagbabahagi ni Justice spokesperson Jose Dominic Clavano IV na kasama sa kanilang assessment ang galaw at behaviour ng mga Discaya kung qualified ba talaga sila na maging state witness para sa mga anomalya ng flood control projects.
Aniya : “The heart sign and the remarks of Ms. Sarah Discaya are all taken into account in the assessment and evaluation of the persons involved. It is a sign of insincerity and complacency,
“We urge all persons of interest in this case to behave accordingly.” dagdag nito.
Samantala, naglabas ng pahayag ang abogado ni Sarah Discaya tungkol sa parody ng kapuso genius na si Michael V sa Bubble Gang, nilinaw nito na walang problema para kay Sarah ang parody na ito ng komedyante.