Fhukerat, pumalag sa kanyang MRT issue.

Naglabas ng pahayag si Fhukerat dahil sa kanyang MRT isyu.

Nagsalita na si Kier Garcia o mas kilalang Fhukerat sa social media dahil sa mga fake quote cards na nag-viral kamakailan tungkol sa MRT.

Kung ating babalikan, nag-viral ang isang ‘satire post’ tungkol sa vlogger matapos agad na pinaniwalaan ng mga netizens na nagmula raw mismo ang naturang pahayag kay Fhukerat.

Satire statement ni Fhukerat : “Sumakay ako isang beses sa MRT, sa Taft, hindi na mauulit. Ang daming tao, siksikan, nakakadiri. As in, naligo agad ako pag-uwi.”

Dahil sa fake statement na ito. Agad na nakatanggap ng samu’t-saring batikos ang vlogger, maging ang komedyanteng si Wacky Kiray ay naniwala agad sa naturang viral post.

Ani Wacky : “Kung na babahuan ka at ng didiri! mag grab ka mag taxi ka! ang arte mo!! ehhh mukha ka naman tatay!!!!”

Agad na nakarating kay Fhukerat ang mga pambabatikos sa kanya online dahil sa mga satire post na kumalat sa social media. Agad siya na naglabas ng kanyang pahayag at aniya, “Not every story is worth your voice”.

Pahayag ni Fhukerat : “Rumors can destroy a person’s name in seconds. Not everything we read or see online deserves our attention or belief.”

Dagdag pa niya : “Before reacting, before sharing pause. Comprehension and fact-checking should always come first. Silence is better than spreading lies, and wisdom is choosing truth over noise. Protect your integrity.”

Marami naman sa mga netizens ang nagsasabing hindi agad sila naniwala na sinabi talaga ng vlogger ang statement na ito tungkol sa MRT.

Ani ng netizen : “Ohhh diba??? sabi na eh di niya sinabi yan kaya nakipag away talaga ko doon sa nagcomment HAHAHHAHA sabi ko magpag checking muna siya like hello, alam ko mabait na bata to si Fhukerat.”

“Dami kasing naniniwala agad agad ng walang basehan tapos kung makapanghusga sa kapwa wagas.”

Dagdag pa ng isa : “Dahil siguro sa issue mo from the past, kaya tumatak na sa isip ng tao yung mga negative na ginagawa mo. So kahit hindi totoo they will think na totoo yun. That is the consequences youve made before. You can’t control them. Grow up and have a personality development just like others.”