Estonian vlogger na si Siim Roosipuu o Pro Life Traveler, arestado.

Arestado si Siim Roosipuu aka Pro Life Traveler dahil sa pamba-bastos sa Dumaguete.
Nadakip ng BI o Bureau of Immigration ang dayuhang content creator na si Siim Roosipuu o mas kilalang Pro Life Traveler.
Ayon sa mga ulat, nangha-harass, namba-bastos at kinukunan ni Siim ng ilegal video ang mga residente sa Negros Oriental na walang pahintulot. Siya ay 34 years old.
Ang ilegal na pagvi-video ng Estonian vlogger na si Siim Roosipuu ay ina-upload niya sa kanyang Youtube channel na ‘Pro Life Traveler’ at humahakot ng maraming views online.
Hindi rin nagustuhan ng mga netizens ang latest video ng vlogger matapos niyang kutyain at pandirian ang mga single moms sa Dumaguete.
Ani Siim : “Then the guys [in Dumaguete] they look so monkey sometimes. Like so monkey face, and they were staring at me like this [making monkey face].”
Binigyan pa niya ng payo ang ibang banyaga o mga foreigners na kung sila ay bibisita sa Pilipinas ay huwag raw silang pumatol sa mga single mom.
Dagdag pa niya : “When you will come to the Philippines, don’t get yourself a single mom. Single mom, Jesus Christ. It’s like some Filipino bang the woman already and now you’re gonna come here and take over.”
Dahil sa mga reklamo ng mga residente, agad na inaresto ang vlogger at pinatawan bilang ‘persona non grata’ sa pamahalaan ng Negros Oriental.
Kung ating babalikan, inaresto rin ang isang foreigner-vlogger na si Vitaly noong April 2025 matapos nitong hinarass at binastos ang mga pinoy sa Bonifacio Global City, Taguig habang naka-livestream.
Sa panibagong update kay Vitaly Zdorovetskiy, na-deport na ang vlogger mula sa Pilipinas papuntang Russia matapos itong makulong ng 9 months sa Philippine Jail.
Sa kasalukuyan, nais nalang ni Siim Roosipuu na maka-uwi sa kanyang bansa [Estonia] at humingi rin siya ng tawad sa kanyang mga nagawa.






